Sa Lupa ng Sariling Bayan
ni Rogelio R. Sikat
I. Tungkol sa May-Akda
Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio SÃcat) (1940-1997) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro , Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.
Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.
Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.
II. Buod
Naulila si Layo mula ng kanyang pagkabata at siya'y inampon ng kanyang amain na si Tata Indo. Kinamuhan nya ito dahil sa kanyang kalupitan at nadala nya ang pagkamuhing iyon hanggang sa kanyang paglaki. Nakapag-aral sya ng abogasya at naging kilalang abogado sa Maynila, naging matagumpay sya at nagkaroon ng maraming pag-aari pati sa ibang lugar. Nilapitan si Layo ng kumpare ni Tiyo Julio para magpatulong sa isang kaso sa manahan at simula nun ay nagkikita na sila. Naging malapit sila Tiyo Julio at Layo sa isa't-isa; sya na lamang ang taga-San Roque na tinuturing na kadugo ni Layo, kasama ang kanyang anak na si Ben. Nang malaman nilang may kanser si Layo, madalas syang dinadalaw nila Tiyo Julio at Ben. Binilin ni Layo sa kanyang asawa na si Ising na sa Maynila nya gustong mailibing, pero sa San Roque (kung saan sya nagmula) sya inilibing nang sya ay pumanaw na.
III. Mga Tauhan
Layo - batang naulila at inampon ng kanyang amain, naging kilalang abugado at matagumpay sa buhay
Tiyo Julio - natatanging kamag-anak ni Layo na naging malapit sa kanya
Ben - anak ni Tiyo Julio na kasama sa pagdalaw kay Layo
Tata Indo - malupit na amaing nag-ampon kay Layo
Ising - asawa ni Layo
mga anak ni Layo - minsan lamang dumalaw sa San Roque
IV. Mga Tema
Pagtanaw sa Pinanggalingan
Kahit gaano kalayo pa ang iyong marating, sa bandang huli ay babalik at babalik ka rin sa kung saan ka galing dahil dun ka nabuo at parte na yun ng katauhan mo habang buhay.
Kakayahang Magpatawad
Isipin na lamang na kung ano man ang naranasan mong kalupitan ng kahit sino sayo bilang aral na nagpatatag ng iyong katauhan. Ang tao ay walang karapatan na hindi magpatawad ng kahit na sino.
Pag-abot ng Pangarap
Sa kwentong ito, nagsimula si Layo bilang isang ulila. Pagkatapos ng ilang taon, sya ay naging abogado at kinilala ng maraming tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento