Sabado, Pebrero 9, 2013

Pinaglahuan (kabanata III)

Pinaglahuan (kabanata III)
ni Faustino Aguilar                               

Layunin:

Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Teoryang Naturalismo

Tema ng Pag-ibig Bilang Pagpapakita sa Kalagayan ng Bayan:

Ang mga tauhan sa nobela ay siya ring mga tampok bilang mga aktuwal na tauhan sa lipunan. Nariyan si Mr. Kilsberg na siyang manipestasyon ng imperyalismo. Si Rojalde bilang representante ng Malalaking Burgesya Kumprador at mga Panginoong may Lupa na siyang mga masasalapi at nakikinabang sa mga iskema ng imperyalismo. Sila Don Nicanor Gutierrez na mga representante ng Pambansang Burgesya.
Si Luis naman ay siyang representante ng uring manggagawa o sa uring anakpawis. Samantala si Danding naman ang manipestasyon ng lipunang Pilipino sa kaanyuan ng Inang Bayan. Sa pamamagitan ng tema ng pag-ibig ay naiangat ni Faustino Aguilar ang istorya upang mulatin ang kamalayan ng mga mambabasa. Ano nga ba ang pag-ibig na ito kundi ang pag-ibig sa bayan at ang paghahangad ng bawat masang Pilipino na naduhagi ng imperyalismo, na siyang rurok ng kapitalismo, na matamo ang tunay na kalayaan sa lipunan at wagas na pagkakapantay-pantay.
At yaong anak na isisilang ni Danding ay siyang rebolusyon na bunga ng panawagan ng mga dukha na makamtan ang isang tunay na kalayaan ng bayan. Ang pag-ibig ng mamamayan sa Inang Bayan ang siyang nagluwal sa himagsikan.

Mga Tauhan:

Luis- Ang Kasintahan ni Danding, isang dukha lamang.
Danding- Kasintahan ni Luis, naipagkasundo ng magulang na ipakasal sa isang mayamang lalaki.                      
Rojalde- Ang lalaking ipinag-kasundo kay Danding, anak ni Nicanor Reyes.
Don Nicanor- Ama ni Rojalde, napakayaman nito.

Deskripsyon ng Tagpuan:
           
Gabi at umuulan. Gabing kung saan ay dapat sumpain ng mga may sakit sa rayuma dahil sa kalamigan ng hanging umiihip. Gabi kung saan dapat ay nananalangin ang matatakutin dahil sa malalakas na tunog at nakakagulat na kidlat.
           
Buod:

Tampok sa nobela ang maigting na pakikibaka ni Luis Gatbuhay, na nagkataong lider obrero, laban sa makapangyarihang si Don Nicanor. Kailangang ipaglaban ni Luis hindi lamang ang usapin ng manggagawa kundi maging ang itinitibok ng kaniyang puso: si Danding.

Gusto ni Don Nicanor na makasal ang kaniyang anak na dalaga kay Rojalde. Si Don Nicanor ay sugapa sa sugal, at naglustay ng malaking pera para matustusan ang kaniyang bisyo. Nang malubog siya sa utang, naisip niyang ang tanging makapagliligtas sa kaniya ay si Rojalde na handa namang tumulong upang mabayaran ni Don Nicanor ang mga utang. Ang kapalit na kabayaran na nais ni Rojalde ay mapakasal kay Danding, na bukod sa maganda ay nagtataglay ng mga katangiang ipaglalaban ng patayan ng sinumang lalaki.

Ngunit hindi naging madali ang lahat. Mahal ni Danding ang kasintahang si Luis. Kaya naman nang malaman ito ni Rojalde ay umisip siya ng paraan para matanggal sa trabaho si Luis, maisakdal sa hukuman, at tuluyang maibilanggo. Nagngitngit si Luis at naghimagsik, gaya ng sugatang hayop.

Nakasal si Danding kay Rojalde, at may pitong buwan pa lamang ang nakalilipas ay nagsilang agad ng malusog na sanggol. Ang sanggol ay hindi kahawig ni Rojalde kundi ni Luis.

Nagwakas ang nobela nang magtanim at masabugan ng bomba si Luis sa loob ng bilangguan. Nagdiwang din siya nang tupukin ng dambuhalang sunog ang lungsod, at naiwan si Rojalde sa balkonahe habang nasusunog paligid at ang tinitirhang bahay.

Pinakamagandang Bahagi:

Nang magsilang si Danding ng isang napakalusog na bata at kahawig pa ni Luis.

Gintong Aral:

Walang makapipigil sa Tunay na Pag-ibig.

Ano ang aral sa nobelang pinaglahuan ni faustino aguilar:

Hndi dapat maging mapagsamantala ang mga nakatataas sa lipunan. Marahil sila ay maituturing na makapangyarihan dahil sa kanilang salapi ngunit mangingibabaw pa rin ang moralidad at asal ng isang kung ituring may dukha.

21 komento:

  1. Seoul, South Korea.

    TumugonBurahin
  2. Salamat sa karagdagang inpormasyon at sa buod. Magrereport ako bukas eto ang irereport ko. Heheheheheheh :D

    TumugonBurahin
  3. Yes! May report na me ! thankyo :D

    TumugonBurahin
  4. (o ano eto gagawin mong book report?)

    TumugonBurahin
  5. Ano ang paksa ideya ng kwentong ito? Please ned na tom.

    TumugonBurahin
  6. Thankyy :) This helped me a lot :D

    ~ Mrgl

    TumugonBurahin
  7. Thanks sa info! For our Group Activity :)

    TumugonBurahin
  8. Yes! got it! Thankie so MUCH! I really need it!! :D

    ~ Saia

    TumugonBurahin
  9. Maraming salamat po! nakakatulong po kayo ng malaki sa aming mga estudyante! maraming maraming salamat po

    TumugonBurahin
  10. maraming marami pong salamat...malaki po itong tulong...

    TumugonBurahin
  11. thank you po , may project na me . hihi

    TumugonBurahin
  12. Bakit nga po ulit, pinaglahuan ang title? Pakisagot po. Salamat

    TumugonBurahin
  13. Report tomorrow. Thanks for this :)

    TumugonBurahin
  14. bakit pinaglahuan ang pamagat nito?







    TumugonBurahin
  15. Salamat! May pang assignment na ako :)

    TumugonBurahin
  16. Kailangan ko gumawa ng reaksyon para bukas

    TumugonBurahin
  17. marami pong salamat!

    TumugonBurahin