Tanging Pamana
ni Hilario Coronel
Buod:
Ang maikling kwento ay tungkol sa isang batang lalaki na mayroong mahigpit na tatay. Tuwing gumagawa siya o ang mga kapatid niya ng hindi tama, pinapalo sila nito gamit ang lumang sinturon at lanubo ng bayabas. Lagi rin silang pinapangaralan na mag-aral sila ng mabuti at huwag munang mag-asawa nang maaga. Sa simula ay hindi maintindihan ng bata kung bakit ganoon kahigpit ang kaniyang tatay. Marahil dahil hindi niya rin hilig ang pag-aaral. Nagtatampo siya tuwing siya’y pinapagalitan at sumasama ang kaniyang loob. At tuwing sila’y pinapalo, hindi nagugustuhan ng kanilang tatay kapag sila’y umiiyak dahil ito raw ay nagpapakita ng kahinaan ng pusong-babae at para daw maging responsible sila sa mga resulta ng kanilang mga pagkakamali. Lumipas ang panahon at nang nag-aaral na siya sa hayskul, napansin niya na hindi na gaanong kahigpit katulad ng dati ang kaniyang tatay. Kung makagawa man siya ng maliit na pagkakamali na dating ikinakagalit ng tatay niya ay hindi na siya pinapalo at pinapangaralan. At hindi na rin naghihigpit sa kanya ang tatay niya. Marahil, ito ay dahil may tiwala na ang kanyang ama sa kanya at tinuturuan siyang magkaroon ng pananagutan. Nang magtapos siya ng hayskul sinabihan siya ng tatay niya na magsikap siya na makahanap ng magandang trabaho sa Maynila. Sinabihan rin ni ya na tapusin niya ang kaniyang pag-aaral sapagkat wala ng ibang maipapamana sa kanya ang kanyang mga magulang. Sana man lang daw ay maiba siya sa kaniyang mga kapatid. Pagdating niya sa Maynila ay pinalad siya na makahanap ng magandang trabaho at makapag-aral tuwing gabi. Siya ang kauna-unahan sa kaniyang nayon na makapag-aral sa isang tanyag na unibersidad sa Maynila. Di nagtagal ay nakatapos rin siya ng kolehiyo at nagkaroon ng karunungan sa pamamahayag at nagkaroon ng trabaho sa isang lingguhang pahayagan . Isang araw, nakatanggap siya ng balita na malubha na daw ang kalagayan ng kaniyang ama. Agad siyang umuwi at naabutang nakaratay ang kaniyang tatay. Bago ito namatay ay sinabihan siya ng kaniyang tatay na kahit ano mang ipagkaloob ng Diyos ay hindi na siya nag-aalala, sapagkat may maiiwan siyang pamana. Binilinan niya ito na pag-aralin ang kaniyang bunsong kapatid at pumili ng mapapangasawang maipagmamalaki niya. Doon lamang ganap na naunawaan ng anak ang kahulugan ng lahat ng pangaral at pagpapalo sa kaniya ng kaniyang tatay. Naintindihan niya na lahat ng ito ay para magkaroon siya ng magandang kinabukasan. Ang tanging pamana ng kaniyang ama sa kaniya ay edukasyon.
Talasalitaan:
1. Kaaliwaswasan = Kalokohan
2. Nagunita = Naalala
3. Nangimbulo = Naiingit
4. Nanaog = Bumaba
5. Makipagbabag = Makipag-away
6. Bihira = Madalang/ Minsan
7. Nangatog = Nangatal/Nanginig
8. Sinabon = Pinangaralan/ Pinagsabihan
9. Nahagilap = Nakuha/ Nalaman
10. Nakaratay = Nakahiga/ Nakahimlay
11. Kumukutya = Humahamak/ Lumalait
12. Yumap = Umalis/ Lumakad
Tauhan:
Naraytor
Tatang = Magsasaka
Inang = Mananahi
Anak
makapagbagbag damdamin.
TumugonBurahin