Hello, Dolly
ni Sol Juvida
Buod:
Si Dolores Magpantay ay bagong salta pa lamang sa Amerika. Pinagmamalaki niya na sa kanilang magkakapatid, siya at ang Ate Luz niya palang ang nakakapunta rito. Araw -araw simula nang dumating siya sa Pleasanton , California ay wala siyang ginawa kung hindi magbasa ng classified ads para makahanap ng mapapasukan na trabaho. Noong nasa Pilipinas kasi siya, nagtratrabaho siya bilang isang guro ng Ingles sa isang elementarya sa Unisan, Quezon , ngunit hindi siya makapasok bilang guro sa Amerika. Pati ang pagtratrabaho sa mga bakery, stationary store, hardware store o kahit bilang isang bagger girl sa grocery ay hindi siya matanggap dahil “overqualified” daw siya. Siya rin ay nahihirapang makahanap ng trabaho dahil hindi pareho ang pagbigkas ng Ingles sa Amerika. Isang araw, tumawag siya sa Kelly, ang temporary employment agency at sinuwerte siya at natanggap siya bilang isang typist sa Koll Center Enterprise sa Valley Hansen. Ngunit, makalipas ang isang buwan sa pagtratrabaho dito, siya ay nag-umpisang makadama ng pagkasawa sa pag-ikot ng buhay niya sa California . Inaabangan niya na lamang ang bawat Biyernes na dumating para matanggap niya ang kaniyang sweldo. Ito ang kanyang ginagamit para makapag-shopping kasama ng kanyang Ate Luz. Naaalala niya nag kaniyang pamilya at mga kakilala sa Pilipinas. Napansin niya rin na marami talagang pagkakaiba sa buhay sa Amerika at sa Pilipinas, mula sa pagbigkas ng mga salita hanggang sa paraan ng pagdiwang ng Pasko. Hinahanap-hanap niya ang mga kinalakhan at kinasanayang tradisyon at kaugalian sa Pilipinas. Hindi pala kagaya ng akala niya ang buhay niya sa Amerika.
Talasalitaan:
1. Salta = Kalilipat lamang
2. Nagliliyab = Nagliliwanag
3. Kinasusuyaang = Kinasasawaan
4. Naglalagalag = Naglalakbay
5. Nababagot = Naiinip
Tauhan:
Dolores Magpantay - Dolly
- Inilalarawan ang sarili bilang 25 taong gulang, 5’3, dalaga, edukada,
may itsura at matalino
may itsura at matalino
Sonny - 14 taong gulang na pamankin ni Dolly
Ate Luz - Pinakamatandang kapatid ni Dolly na nakatira sa Amerika, 15 taon nang
naninirahan sa Amerika
Can I have an Autobiography of the Author "Sol Juvida" ?
TumugonBurahinano kaya ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng kwentong hello dolly
TumugonBurahin