Sabado, Enero 12, 2013

Kasaysayan ng Watawat ng Pilipinas

Kasaysayan ng Watawat ng Pilipinas

Emilio Aguinaldo – nagdesinyo ng watawat ng Pilipinas
Hongkong – sa bansang ito ginawa nina Marcela at Lorenza Agoncillo, at
Delfina Herbosa de Natividad (pamangkin ni Jose Rizal)
May 28 1898 – unang ginamit ang pambansang watawat ng Pilipinas
Hunyo 12, 1898 – iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite
Puting tatsulok - sagisag ng Katipunan na sa pamamagitan ng pagsasanib
ng dugo ay nakapanghikayat sa mga Pilipino na sumama sa rebolusyon.

-pagkakapantay-pantay at kapatiran
Asul - kalayaan, katotohanan, at katarungan;
Pula - kabayanihan at kagitingan
Tatlong bituin – Luzon, Visayas (Panay) at Mindanao
Walong sinag ng araw - sumasagisag sa walong probinsyang unang nag-alsa sa Kastila: Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, at Batangas.

Mga Ipinagbabawal na paggamit sa Watawat

•Ang pagbababa sa watawat sa pagbibigay ng papuri o parangal sa isang tao o bagay.

 
•Ang paggamit sa watawat bilang kurtina, palamuti, mantel, panakip sa dingding, istatwa at iba pang bagay; bilang banderitas sa tabi, likod, o taas ng anu mang motor na sasakyan; bilang tatak o marka; at paggamit nito sa industriyal, komersyal at agrikultural na disenyo o tatak.

 
•Ang paglalagay ng watawat sa ilalim ng anumang pintura o larawan, o sa mga sayawan, sabungan, club, casino at ibang lugar ng pasugalan.


•Ang pagsusuot sa watawat, buo man o parte lamang bilang damit o uniporme.


•Ang paglalagay ng anumang salita, pigura, marka, larawan, disenyo, dibuho o anunsyo sa watawat.


•Ang paggawa at paglalagay ng representasyon ng watawat sa panyo, kutson at iba pang uri ng paninda.


•Ang paglagay ng watawat sa harap ng gusali kung saan namamalagi ang mga hindi Filipino.

1 komento: