Sabado, Enero 12, 2013

Kasaysayan ng Pambansang Awit

Kasaysayan ng Pambansang Awit

•Hunyo 5, 1898 kinomisyon ni Emilio Aguinaldo sa si Julian Felipe, isang kilalang pyanista at kompositor na taga-Cavite na lumikha ng isang martsa upang mapagkaisa ang damdamin ng mga Pilipino sa paglaban sa mga mananakop na Kastila.


•Pinamagatan ni Julian Felipe ang kanyang nalikhang martsa na Marcha Filipino Magdalo.

•Hunyo 11, 1898 – itinanghal ni Felipe ang musika sa harap ni Aguinaldo at sa mga tinyente nito.

•Hunyo 12, 1898, unang tinugtog sa saliw ng bandang San Francisco de Malabon

•Jose Palma- isang kawal na naglapat ng titik sa martsa na hango sa kanyang tula na Filipinas

•1920 – isinalin nina Camilo Osias at Mary A. Lane sa wikang Ingles.

•1940 – nagkaroon ng maraming salin sa Filipino/Tagalog ngunit ang pinakapopular ay ang salin nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo (“O Sintang Lupa”)

•1943 -Sa ilalim ni dating Presidente Jose P. Laurel, isinalin ng Surian ng Wikang Pambansang titik ng pambansang awit sa salitang Ingles at Pilipino. “National Ideal” ang naging pamagat nito sa Ingles at “Diwang Bayan” naman sa Pilipino.

•Noong Mayo 26, 1956 unang inawit sa katutubong wika na Tagalog ang pambansang awit ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang

•1962 – pagbabago sa liriko at ang bersyong ginagamit hanggang sa kasalukuyan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento