Linggo, Enero 13, 2013

Pagbabagong Morpoponemiko

Pagbabagong Morpoponemiko

Iba't Ibang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

1. Asimilasyon - kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d, l, r, s, t /, ang
                            panlaping pang- ay nagiging pan-. Ito ay nagiging pam- naman
                            kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / b, p /.

Paalala: Nananatilinng pang- kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na / k, 
              m, n, ng, w, y / o patinig ( a, e, I, o, u ). Nilalagyan ng gitling ( - )  kapag 
              ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig.

Halimbawa:
1. Pang + lunas - panglunas - panlunas
2. Pang = baon - pangbaon - pambaon
3. Pang + kulay - pangkulay
4. Pang + isahan - pang - isahan

2. Pagkakaltas - sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng
                            salita
Halimbawa:
1. Sunod + in - sunodin - sundin
2. Takip + an - takipan - takpan
3. Dala + han - dalahan - dalhan

3. Maypalit - may mga ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ng salita.
                      nagaganap ang pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ ay nasa pagitan ng
                      dalawang patinig.
Halimbawa:
1. Ma + dami - madami - marami
2. Bakod + bakudan - bakuran

4. Pagpapaikli ng salita - Pagpapaikli at pagpapabilis ng pagbigkas ng salita.

Halimbawa:
1. Hinatay ka - Tayka - teka
2. Tayo na - Tayna - tena, tana
3. Wikain mo - Ikamo - kamo
4. Wika ko - ikako - kako        

5. Paglilipat o Metatesis
Ito ay ang paglilipat ng posisyon ng mga ponema. Halimbawa, kapag nagsimula sa letrang l o y at may gitlaping -in- ay nagpalit ang n at i sa unlaping ni-.

Halimbawa:
1. y + -in- + akap = yinakap = niyakap
2. l + -in- + ayo = linayo = nilayo


20 komento:

  1. walang metatisis

    TumugonBurahin
  2. 4 lang ba?? Parang 5 ata..

    TumugonBurahin
  3. may kulang nga!!! METATESIS

    TumugonBurahin
  4. yan lng po talga,.?

    TumugonBurahin
  5. halimbawa ng metatesis gamit ang gitlaping -in-
    yakap+in=yinakap? tama po b correct me f wrong tnx po..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang metatesis ay nagaganap sa mga salitang nag-uumpisa sa titik L at Y kung ito ay ginigitlapian ng "in". nagkakapalit ng posisyon ang L o Y sa "in"
      halimbawa:
      in + laro= linaro =nilaro
      in + yari = yinari = niyari

      Burahin
  6. maypalit ang ibang katawagan ng metatesis

    TumugonBurahin
  7. Mag bigay nga po kayo ng maikling salaysay gamit ang pagbabagong morpoponemiko please!!!!!!!!

    TumugonBurahin
  8. Hello po may nakaka alam po ba kung anu anu ang mga walong dagdag na ponema? Please.

    TumugonBurahin
  9. sabi nila anim raw lahat ang uri ng morpema

    TumugonBurahin
  10. kulang ng Asimilisasyong Ganap at Asimilisasyong Di-Ganap

    TumugonBurahin
  11. Bakit walang metatesis? huhuhu

    TumugonBurahin
  12. kulang ng dalawa isa sa asimilisasyong di-ganap at metatesis

    TumugonBurahin
  13. Bat walang metatesis, paglilipat diin, reduplikasyon, may pungos, at may angkop?

    TumugonBurahin
  14. asan ang halimbawa ng "Pagbabagong Morpoponeko"?

    TumugonBurahin
  15. PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
    1. Asimilasyon
    2. Di-ganap na Asimilasyon
    3. Ganap na Asimilasyon
    4. Pagpapalit-ponema
    5. Metatesis
    6. Paglilipat-diin
    7. Pagkakaltas-ponema
    8. Reduksiyon/Reduplikasyon

    TumugonBurahin
  16. salamat sa answer? :)

    TumugonBurahin