Sabado, Enero 12, 2013

Kasaysayan ng Alpabeto

Kasaysayan ng Alpabeto

SANSKRIT/O

- ang paraan ng pagsulat na ito ay isang uri ng paraang abiguda na gumagamit ng katinig-patinig na kombinasyon. Kung kaya’t mapapansin na ang pinakapayak na anyo nito ay mayroon lamang tunog sa hulihan na /a/. Nilalagyan lamang ng kudlit sa itaas upang makalikha ng tunog na nagtatapos sa /e/ at /i/ at sa ibaba naman inilalagay upang makalikha ng tunog na /o/ at /u/.

Wikang klasiko (classic) ng India; ginagamit sa mga relihiyon at pananaliksik sa agham
Sinasabing pinagmulan ng alibata


ALIFBATA 0 ALIBATA (BAYBAYIN)

- isang paraan ng pagsulat na ginagamit bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay kahalintulad sa sistema o paraan ng pagsulat ng mga taong Java na tinatawag na kayi. Ang paraan ng pagsulat na ito ay pinaniniwalaang ginagamit na noong 14 na siglo hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang salitang baybayin ay nangangahulugang ispeling o pagbaybay.

Katutubong sistema ng pagsulat/alpabeto ng iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas mula 1000-1200 hanggang 1800.

BAYBAYIN hango sa salitang “baybay” (to spell)
ALIBATA hango sa “alif bata” (2 unang titik sa Arabic: “alif” at “bet”)
May kaunting pagkakaiba ang bawat alibata para sa bawat partikular na wika (iba ang sa Tagalog, iba ang sa Bisaya atbp.)

Di matiyak ng mga eksperto
Sa Celebes (matandang paraan ng pagsulat ng mga Javanese)
Sa India (mula sa mga paraan ng pagsulat ng iba’t ibang lugar sa India: Sanskrit; Brahmi; Assam etc.)


ABECEDARIO

- ito ay binubuo ng 29 na letra at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat.

Alpabetong Kastila; mula sa Alpabetong Romano
Isinusulat ang mga titik gaya ng sa alpabetong Romano
Itinuro sa piling mga mag-aaral (sa mga klaseng tinatawag na caton, kadalasan sa mga kumbento atbp.)
Ayaw turuan ng mga Kastila sa Pilipinas ang mga indio dahil alam nilang matatalino ang mga ito at kapag tinuruan ng wikang Espanyol ay maiintindihan ang ginagawang panloloko sa kanila

Pilipinas lang ang dating kolonya ng Espanya na di natutong magsalita ng Espanyol (maliban sa mga intelektwal na nasa alta sociedad at gitnang uri/middle class)


ABAKADA

- mula kay Lope K. Santos (1940)
- binubuo ng 20 letra
- lima (5) ang patinig (a, e, i, o, u)
- labinglima (15) ang katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, o, w, y)

Alpabetong batay sa wikang Tagalog; binuo ni Lope K. Santos at naisapubliko sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1940):
a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y


ALPABETONG PILIPINO (1976)

- binubuo ng 31 titik
- ang dating abakada na binubuo ng dalawampung (20) titik ay nadagdagan ng labing-isa (11) pang titik mula sa abecedario. Ang mga naidagdag na titik ay: c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x at z

ALPABETONG FILIPINO (1987)

- binubuo ng 28 titik: lima (5) ang patinig at dalampu’t tatlo (23) naman ang katinig. Ang paraan ng pagbigkas ay batay sa Ingles.

26 (na) komento:

  1. Galing! Nakatulong sa review at assignment! :))!

    TumugonBurahin
  2. well, medyo matagal bago ko nakita nag site na ito pero..kahit medyo nahirapan ako kasi hindi pwedeng icopypaste e,,, alam ko namang makakatulong ng malaki sa project na ngayon ko lang hinanap at ngayon lang din ipapass... : p salamat!

    TumugonBurahin
  3. Patulong naman as assignments KO oh....d KO kaz mahanap eh

    TumugonBurahin
  4. nacopy ko nmn po at nkatulong s ass ko tnx

    TumugonBurahin
  5. pinalitan ko ng kulay pra lumabas yung mga letra ok nmn po. tnx

    TumugonBurahin
  6. Haha Salamat at nagkaron na ako ng assignment at pang sagot aa test nmin ! TYVM ! :)

    #CollegePa
    #YushiHere :3

    TumugonBurahin
  7. Marami akung tinahak para mawari itong kasaysayan ng alpabetong pilipino para magkaroon lang ako ng asignatura at I toy nakatulong sea akin at mas nawatasan ko pa ng maigi

    TumugonBurahin
  8. thank you po for this!! na copy ko po! :)

    TumugonBurahin
  9. ang galeng
    <3<3
    nakatulong sa project nina ella,kyla,alyssa,faith,jhanna at ashley at ako.

    TumugonBurahin
  10. thank you po dito.. may report na ko YESSSSS! hahaha

    TumugonBurahin
  11. bat ayao ma copy? tsk

    TumugonBurahin
  12. Tamad lang talaga kayo

    TumugonBurahin
  13. tnx po nka tulong ng malaki to sa report ko mamaya.

    TumugonBurahin
  14. wala po ba yung link neto kung saan lahat nakuha??
    or kung wala man pwede po matanung kung saan referrence
    or kung saang libro galing??

    TumugonBurahin
  15. you cant copy it directly and paste it sa microsoft word. what you need to do is copy it then paste it on notepad, para mawala yung black highlight. then you can copy it na sa microsoft word. but the info is a great help for my project. thank you

    TumugonBurahin
  16. Wow.. thank you po.. alam kong makatutulong ito sa pag rereview ko... Salamat po ulit😊 God bless😇

    TumugonBurahin
  17. Wow.. thank you po.. alam kong makatutulong ito sa pag rereview ko... Salamat po ulit😊 God bless😇

    TumugonBurahin
  18. WOW THANK YOU SIR .. ANG DALING INTINDIHIN PO ... PARA SA LET EXAM /// :)

    TumugonBurahin
  19. Ano Ang ngalan ng mga letra ng Alpabeto?

    TumugonBurahin