Ang Mukha ng Tao
Ni: Aniceto F. Silvestre
Ang mukha ng tao ay dalawa lamang;
Maganda o pangit, mabait o sukab at huwad o tunay;
Sa tuwa at dusa o galit kaya ay nalarawan
Ang mukhang salamin ng talagang buhay.
Daming mukhang mahal ay may maskara.
Ang tunay na mukha ay itinatogo't mukhang ganid pala:
Buti pang di - hamak, ang mukhang magaspang at pangit sa iba
Kung sa kanyang dibdib ay may pusong maganda.
Sa ibang pag-uri, ang mukhang tanso man,
Nagmumukhang ginto sa pagpapakinis ng mat'yagang kamay;
Sa masusing tingin at pag nakatabi'y sadyang ginto lantay
Ang tanso'y makintab, ang ginto'y makinang.
Ang mukha'y pambungad sa harap ng madla
Larawan ng tao na pinagaganda't nang di - mukhang gawa.
Ang magandang buhay may magandang mukha.
Di sawang tingin mukhang maalindog,
Sa pag-aalaga, mukhang di man dilag ay kalugud - lugod;
Ang mukha ng tao'y siyang naiiwan sa gunitang taos
Palibhasa'y mukhang nawangis sa Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento