Friday, February 10, 2012

Ako'y Isang Pilipino

Ako'y Isang Pilipino


Ako'y isang Pilipino
Pilipinas ang bayan ko
At ang wikang Pilipino
Wikang sadyang minana ko

Lahi ako ni Del Pilar
Nina Mabini't Jose Rizal
Bonifacio, Luna't Silang
Lahi kami na may dangal

Ang kayumanggi kong balat
Ay tatak ko't sagisag
Na sa digma'y walang gulat
Sa paggawa'y walang sindak

Pilipinas, bayang hirang
Lupain ng matatapang
Di yuyukod sa dayuhan
Pagkat laya'y minamahal

Ang wika ko'y Pilipino
Pilipinas ang bayan ko
Iyan, iyan ang tatak ko
Ako'y isang Pilipino

2 comments:

  1. Magandang gabi po. pwede pong magamit ang iyong tula,ipapakabisa ko po sa mga pupils para sa buwan ng wika pero 3 saknong lang ang kukuhanin ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo lahat po ay pwedeng gamitin wala pong problema

      Delete