Sabado, Setyembre 11, 2010

Walang Ganiyanan

Walang Ganiyanan
Alison Madamdamin

Sige, isisi mo lahat sa pamahalaan
Wala ka ba talagang ginawang kasalanan?
Iisang presidente, milyon-milyong katao
Iisang bansa, pero iba’t ibang reklamo!

Aasahan nalang ba natin ang namumuno?
Tumingin ka sa salamin, tignan mo ang sarili mo;
Wala ka bang bakas ng katamaran?
May nagawa ka na ba para sa lupang sinilangan?

Kung nakikita na nating may mali sa paligid,
Ano pang silbi natin at tayo’y may paa’t kamay?
Palibhasa’y ang sandata’y galaw ng bibig,
Bulag ang mata; kita lang ang hirap ng buhay!

Ito mismong pagdakdak ang walang tinutunguhan,
Pagkatapos non, ano na?
Tapos na ang gawain mo bilang mamamayan?
Ang galing nga naman ng tinuturo sa kabataan!

Tititigan nalang ba natin ang ginagawa nila?
Hihintayin nalang ba natin ang pagbabago?
‘Wag kang tumunganga diyan, kumilos ka!
‘Wag ganiyan at meron pang pagasa.

27 komento:

  1. it was very important and i got lucky that i found this

    TumugonBurahin
  2. Ganda ng message. Thanks for posting! :)

    TumugonBurahin
  3. Wow ahh npaka-meaningful pra sa aming mga kabataan!!

    TumugonBurahin
  4. para yan sa mga taong walang ginawa kundi mag rally

    TumugonBurahin
  5. nice one auh....i really like the message........it is very relevant to the present time.......it is very meaningful at tyak maraming matatamaan nito....tama nga naman.,,,,ung ibang tao laging sinisi ang Pangulo pro sila wala naman nagawa kundi ang magrally.....

    TumugonBurahin
  6. i'm looking for a tagalog declamation that i'm going to present tomorrow...And i'm so glad & lucky that finally,I found it!!!This gonna be the perfect one!!!

    TumugonBurahin
  7. Great piece for a declamation ...

    TumugonBurahin
  8. very well said....thanks to the author!

    TumugonBurahin
  9. Medyo maikli nga lang pero sa kabila ng kaiklian napameaningful talaga nito :)

    TumugonBurahin
  10. Pahiram po para sa kaibigan ko. Salamat! Para lang po sa HS day nila. :)

    TumugonBurahin
  11. Nakita ko ito. Maikli pero ang ganda. Swak sa role ko. Pahiram ah? God bless!

    TumugonBurahin
  12. Declamation piece po ba ito, hindi TULA? Akla ko po kasi kapag declamation, my konkretong istorya at madaming karater ni tinatanghal ng iisang performer. Please enlighten me.
    I'm a newly migrated FIL-AM.

    TumugonBurahin
  13. Hello Po!

    I'm very happy that I got to find a poem like this, and it truly is inspirational and honest.
    I'm currently a Grade 6 student, and I was wondering if it's alright with the author that I borrow this piece,
    Ang talented talaga ng mga Pilipino, kay proud po ako na maging isang Pinoy.
    :)

    TumugonBurahin
  14. saang libro po ito nakuha? :)

    TumugonBurahin
  15. salamat po sa maikling declamation na ito sobrang swerte ko po at nakita ko to

    TumugonBurahin
  16. ________◘○•○♦•♥•◘__________
    | |
    |Salamat at nakita ko to!! |
    |________=========__________|

    TumugonBurahin
  17. Itong deklamasyon ay natutulungan talaga ang mga tao lalo na ang mga estudyante na nakababasa

    TumugonBurahin
  18. Hello hihiramin ko po itong magandang piyesang ito

    TumugonBurahin
  19. Napaka ganda po nitong deklamasyon....kung pwede po hihiramin ko po sana..tnx

    TumugonBurahin
  20. Hello author,, can we borrow this peice? Very nice, eye opener to all,, the length is enough for my pupil, we are bless there arw talented people showing and posting their literary works. God Bless and may you do more of these and use your talent to inspire many Filipinos 😊😊😊

    TumugonBurahin
  21. hello, pahiram po ako for the school activity nang aking anak po. maraming salamat.

    TumugonBurahin