Ang tula ay may dalawang anyo, ang pormal at di pormal. Ang pormal na tula ay may indayog at tugma, habang ang di-pormal naman walang tugma.
Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.
Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, gamit ng marikit na salita.
Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
Samantalang ang ordinaryong pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa mga pangungusap at mga talata, ang tula ay inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na taludtod at saknong.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento