Talumpati ng magsisipagtapos
ni: Mary Grace G. Dikitanan
Sa lahat ng kagalang-galang na bisita (Mrs. Florita R. Enmoceno)sa lahat ng guro sa aming paaralan, sa lahat ng mga magulang na naririto , at sa kapwa ko magsisipagtapos, isang magandang hapon po na pinagpala ng diyos.
Isa pong malaking karangalan po para sa akin ang magsalita sa harap ninyo ngayon hapong ito. Alam ko pong ang Diyos na makapangyarihan ang nagbibigay sa akin ng pagkakataong ito, kayat hindi ko dapat siya biguin.
Ang batch namin ay talaga namang pinagkalooban ng Diyos ng mga talento at potensyal sa ibat-ibang larangan. Sinikap naming diskubrihin ang aming mga aking husay at galing upang magtagumpay sa mga paligsahan sa loob at maging sa labas ng paaralan.
Siyempre, ang bawat tagumpay ay may katumbas na hirap at di-magandang karanasan, may mga pagtatampuhan sa pagitan ng mga mag-aaral at kung minsan pa ngay sa pagitan pa ng mga guro't estudyante, Oo, inaamin ko minsan naiinis ako sa aking mga titser kapag pagod na pagod na ako sa pinagagawa nila sa akin, at batid kong may mga kaklase akong may kung anong tinatagong pagkainis sa akin, at ganon din ako sa kanila, ayaw ko lang banggitin ang mga halimbawa ng mga sitwasyon iyon. dahil dapat ngayon ay maligaya tayo kung marami ang pasakit na aking nilampasan, sa mga pagkakataong iyon, hindi ko maiwasan ang umiyak......umiyak para mabawasan ang dinadala kahit kaunti.
Nais ko pong pasalamatan ang lahat ng mga taong naging bahagi ng masaya't makulay kong buhay high school.
Sa aking mga magulang na kumalinga sa akin simula't sapul hindi ko po alam kung paano ko kayo pasasalamatan. mula sa pag-aaruga,pagpapalaki,pagpaararl, pagtatanggol sa akinat pagmamahal tunay pong kayo ay dakila, Ma, Pa para sa inyo ito. Mahal na Mahal ko po kayo.
Sa ating lahat, bilang pagtatapos, ay iiwan ko ang isang hamon. Maaari nagawa natin ngayon ang matagumpay sa pag-akyat sa tuktok ng isang bundok. Pero mas marami pang bundok na sadyang mas matataas ang dapat pa nating akyatin tiyak na marami ring sagabal ang masasalubong natin. ngunit sa lahat ng makakaya upang mas marami pang pagdiriwang ang magaganap
http://bsoa1b.blogspot.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento