Kabataan Sa Responsableng Pagboto
Ni: Joancel A.Espanola
Ang kabataan sa ngayon ay masasabi nating bukas ang kaisipan sa mga makabagong teknolohiya at mas aktibo sa usapang pang pulitika.Bukas na ang isipan sa mga problemang hindi lang pansarili at pampamilya kundi problemang pampulitika ng ating bansa.
Salamat na rin sa mga programang naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga napapanahong problemang pampulitika at nagpapakita ng mga bulok na sistema ng ating pamahalaan na kailangan na nating palitan.
Bilang kabataan paano ba natin mababago o kundi man mabago sa ngayon ng tuluyan ay maging bahagi ng isang hakbang tungo sa pagbabago?
Para sa akin bilang isang kabataan ang aking boto ay isa sa mga mahalagang hakbang para sa ating pagbabago.Naniniwala akong mas matalino at masmaparaan ang kabataan nayon kahit na mayroong ding hindi magagandang mga katangian.
Alam kong mas malawak na ang ating kaalaman at magigig responsable tayo sa ating pagpili ng ating mga iboboto.Alam ko na karapat-dapat at ating pagkakatiwalaan na mamuno sa ating bansa ang ating iboboto sa darating na eleksyon.
Hayaan natin na makagawa tayo ng isang simpleng hakbangin tungo sa ating inaasam na pagbabago, bilang isang kabataan.
http://bsoa1b.blogspot.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento