Part 3
Ang paglalahad ng Paglalakbay ni Don Diego para hanapin ang kapatid at ang ibong adarna
Buod
Makalipas ang isang taon at di pa bumalik si Don Pedro, si Don Diego naman ang naglakbay para hanapin ang ibong Adarna. Limang buwan ang nakaraan sa paghanap niya ng bundok. Namatay din ang kaniyang kabayo at tulad ng kapatid na panganay ay lumakad din siya.
Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa Bundok ng Tabor at nakita rin niya ang puno na ang ugat ay tila ginto habang ang mga dahon ay kumikinang.
Napansin niya ang isang bato pero mas naakit siya sa mga dahon ng puno at hindi rin niya napansin ang mga kawan-kawang ibong dumaan.
Matiyaga siyang naghintay at di nagtagal ay dumating ang ibong adarna. Nakita ni Don Diego ang ibon at pinilit hulihin nang magsimula itong umawit. Sa ganda ng awit, ang prinsipe ay nakatulog. Kagaya ng kaniyang nakakatandang kapatid siya rin ay naging bato matapos siyang madumihan ng ibon pagkatapos nitong kumanta
Talataan:
1. kinipkip-dinala sa kamay
2. nakadatal-nakarating
3. napagbulay-bulay-napag-isip-isip
4. nalilingid-natatago
5. nagahis-natalo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento