Huwebes, Setyembre 23, 2010

Part 4

Part 4
Ang paglalahad ng paglalakbay ni Don Juan para hanapin ang dalawang kapatid at ang Ibong Adarna

Buod

Makalipas ang tatlong taon, wala pa ring balita tungkol kay Don Pedro at Don Diego sa paghahanap ng mga ito ng Ibong Adarna. Ayaw utusan ng hari si Don Juan dahil baka matulad din itong prinsipe sa sinapit ng dalawang kapatid.

Si Don Juan ang nagpumilit dahil sa paglulubha ng ama. Tinakot niya ang ama na aalis siya nang walang paalam ag hindi siya pinayagan. Di katulad ng dalawang kapatid, hindi siya gumamit ng kabayo sa paglalakbay at nagdala lang siya ng limang tinapay. Ibig niyang magpakumbaba.

Sa daan ay nakasalubong niya ang isang matandang may leproso na humingi ng tulong sa prinsipe. Ibinigay niya ang natitira niyang tinapay . Bilang ganti, sinabi ng matanda na hanapin ang bahay ng isang tao na makakapagturo sa kaniya sa ibon.

Iniwanan ni Don Juan ang leproso at hinanap ang puno at ang bahay. Sa bahay ay nakita niya ang ermitanyo na nagbigay sa kaniya ng isang labaha at pitong dayap na gagamitin niya upang mapaglabanan ang antok habang kumakanta ang ibong adarna.

Binigyan din siya ng sintas na ginto (tali) upang siyang ipanghuli sa Ibong Adarna.

Sinunod lahat ng payo ng ermitanyo kaya nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna.

Tinulungan din ng matanda ang prinsipe para gawing tao muli ang dalawa nitong kapatid
na sina Don Pedro at Don Diego sa papamagitan ng pagbuhos ng tubig.

Pinagaling din ng ermitanyo ang mga sugat ni Don Juan. Bago umalis ang tatlo, nagpabasbas muna si Don juan sa ermitanyo.

Talataan:

1. Subyang-tinik
2. Nawawaglit-nawawala
3. mahumaling-magkagusto
4. parurunan-pupuntahan
5. namamanglaw-nalulungkot
6. nangungulimlim-dumudilim
7. nanambitan-nakiusap
8. kapakumbabaan-kababaang-loob
9. binabagtas-tinatahak
10. namanatag-namayapa
11. matarik-mataas
12. makakaniig- makakapiling
13. namamanglaw-nalulungkot
14. datay-nakaratay
15. itinatangis-iniiyak
16. matitimyas-matatamis o magaganda

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento