Biyernes, Setyembre 3, 2010

Pananaliksik

Ang pananaliksik ay pahayag sa mataas na level ng pagsulat dahil nangangailangan ito ng pangangalap ng datos, pag-iimbestiga, panunuri, pagbibigay-hinuha, at sa pagtatapos ay pagbibigay konklusyon at rekomendasyon. Ang pananaliksik ay isang sining. Walang iisang paraan o tamang paraan ng pananaliksik.

Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik ng mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik sa isang klinika, laboratoryo, o kaya isang planetaryo. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-aralan ang sanlibutan.

Uri ng Pananaliksik

1. Emperikal o mala-siyentipiko – Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ibedensya at paktwal na datos. Ito’y nailalarawan, nasusukat, naihahambing at natutuos upang makita ang relasyon ng hypothesis sa panukalang tesis na isang trabahong siyentipiko.

2. Applied Research – Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y kalkulasyon at estatistika. Karaniwang ito’y bunga ng madaliang pagsaagawa ayon sa hinihinging panahon. Ang isang magaling na halimbawa nito’y sa panahon ng eleksyon. Gumagamit ito ng prediksyon na nagkakatototoo. Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng advertisement. Ang mabisang resulta nito ay depende sa serbey at sa napiling sampling.

3. Pure Reseach – Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang isang bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig ng mananaliksik.

Mga gawain

Kabilang sa mga pangunahing gawain sa pagsasaliksik ang mga sumusunod: pagsusukat o pagsusuri ng mga kaganapan o kababalaghan, paghahambing ng nakuhang mga resulta, at ang pag-unawa o pagpapaliwanag ng mga resulta ayon sa mga pangkasalukuyang kaalaman kabilang ang mga nakapagbabagong sangkap, na maaaring makaimpluwensiya sa resulta.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento