Biyernes, Setyembre 3, 2010

Mga Paraan ng Pananaliksik

Mga Paraan ng Pananaliksik

A. Paglararawan (Descriptive Method)
B. Eksperimental na Paraan

Uri ng Paglalarawang Paraan

1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) – ang paraang ito’y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.
2. Sarbey – Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.

    Lawak ng Sarbey
    2.1. Sensus – isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.
    2.2. Sarbey – ilang bahagi lamang ng populasyon.

3. Mga Pag-aaral na Debelopmental – sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

    Teknik sa Pagsasagawa ng Pananaliksik na Debelopmental

    3.1. Longitudinal o Mahabang Panahong Paraan – Sa paraan ito, pinag-aaral ang parehong sampol ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.
    3.2. Kros-Seksyunal na Paraan (Cross-Sectional Method) - Ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba’t ibang gulang at iba pang mga katangian sa parehong panahon.

4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) – Ito ay ginagamit kung ibig na masubaybayan ang isang payak na kundisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung ibig tiytakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.

5. Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis) - Nangangailangan ng pagkalap ng impoirmasyon sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin. Ang isa pang katawagan ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content analysis)

6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) – Ito ay isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.
7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies) Ito ay isang palarawang pag-aaral na idinesenyo para alamin ang iba’t iang baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na populasyon.


B. Eksperimental na Paraan – Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tunay na makasusubok sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.
Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hypothesis.
Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:

1. Ang malayang baryabol ay maaring mabago.
2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago.
3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay inoobserbahan o pinag-aaralan at sinusulat

6 (na) komento:

  1. salamat at natulungan niyo ko sa aking report .

    TumugonBurahin
  2. ano po ba ang discourse analysis

    TumugonBurahin
  3. Thanks for all of these.

    TumugonBurahin
  4. pwede magbigay kayo ng samples .

    TumugonBurahin
  5. Salamat sa impormasyon, malaking tulong ang mga iyon para sa ginagawa naming research.

    TumugonBurahin
  6. salamat po sa tulong ...

    TumugonBurahin