Biyernes, Setyembre 10, 2010

Mga anyo ng tula

Uri Ng Taludtod

1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim
    na kahulugan .
2. Berso Blangko - tulang may sakto bagamat walang tugma
3. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay
    siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga
    kabataan

Uri ng Tulang Tagalog

1. Tulang Liriko - Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan.

Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod:
     a. Awit –Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,
         pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
     b. Soneto – Ito ay tulangmay 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may
         malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
     c. Oda – Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang
         masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong.
     d. Elehiya – Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y
         tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni
         Jose Corazon De Jesus na “Isang Punong Kahoy”.
     e. Dalit – Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.

2. Tulang Pasalaysay - Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento.
     a. Epiko o Tulang Bayani – Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi
         mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang
         epiko n mga Ilokano na “Biag ni Lam-ang.”
     b. Korido – Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang
         mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig
         mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay
         hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay “Ibong Adarna.”
     c. Awit – Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla
         ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng
         malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang “Florante at Laura.”

3. Tulang Pandulaan - Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa.

4. Tulang Patnigan - Tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.
     a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa
         isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
     b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa
         tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa
         isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
     c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at
         pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain
         at mga kasabihan.

22 komento:

  1. useful and helpful to us students!

    TumugonBurahin
  2. tama!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    TumugonBurahin
  3. REAL HELPFUL TO US

    TumugonBurahin
  4. example poh ng karagatan at duplo

    TumugonBurahin
  5. Mga uri ng Duplo

    1. Alo-divino – tungkol sa Diyos at banal na bagay
    2. Historia-vino – mga kuwento tungkol sa buhay ng Diyos, santo at anghel
    3. Alo-humano / alo-mano – tungkol sa relasyon ng tao at Diyos (mga bayani, propeta, mitolohiya)
    4. Historia-mano – kasaysayan ng tao o bansa
    5. Ley / lai – tungkol sa batas ng lipunan
    6. Talinghaga – parang bugtong (“riddles”)
    7. Binayabas – tungkol sa kahit anong bagay na hindi kasama sa mga kategoryang binigay; madalas ginagamit ng mga bago pa lamang duplero (“freestyle”, para sa mga “newbie”)

    TumugonBurahin
  6. mga example din po ng batutian at balagtasan

    TumugonBurahin
  7. Bambu Inglis vs. Wikang Pambansa (Batutian)
    Lakambini (kay Huwan):

    Namamanaag na sa dakong silangan
    Ang kulay ng iyong magandang liwayway;
    Bukas, sa pagsikat ng palalong araw,
    Isa kang watawat na mamamagayway!

    Mula sa Kanluran: dinala ng alon
    Sa iyong pasigan ang tapat na layon;
    Sa buton ng abo: ikaw ay babangon
    Na malayang bayan sa habang panahon.

    Paulo:
    Huwan,tanggapin mo ang pakikilugod
    Ng isang kasama sa tuwa at lungkot,
    Binabati kita: ang tapat na loob
    Ay madarama mong laging naglilingkod.

    Huwan:
    Tapat na dibdib ay iyong damahin
    At pasasalamat ang tibok na angkin
    Ako’y sasaiyong gunita’t panimdim
    Habang ang silangan ay silangan pa rin.

    Paulo:
    Kaya, nang malubos ang pagkabanas mo,
    Ako ay may isang mungkahi sa iyo:
    Tagolog na ingles ang panukala ko
    Na wikang gamitin-du yu get mi ako?

    Huwan:
    Ano, mister Paul, nalalaman mo ba
    Kung ano ang iyong tinuran kanina?

    Paulo:
    Wat is rong may pren Wan, sa nasyonal langweds
    Kung ito’y gagawing Pilipinais Ingles?

    Huwan:
    Sa iyong sarili’y manainga ka nga,
    Kung ano ang iyong dinalit na wika;
    Kung ganyan, katoto, ang wikang pambansa:
    Anong wika iyan-mestisong baluga?

    Paulo:
    Huwag kang magtawa-do yu nat anderstan
    Ang ingles na wika ay pangyunibersal;
    Bilang isang nesyon: kinakailangan
    Na maanderstan ka ng iba pang bayan.

    Ang Tagalog langweds ay pang Pi Ay lamang,
    Di maikukumper sa Ingles, mister Wan;
    At sa diplomatik na mga usapan,
    Magagamit mo ba ang langweds mong iyan?

    Huwan:
    Dapat mong mabatid na ang pagkabansa
    Ay makikilala sa sariling wika,
    Bakit pipiliting ako’y magsalita
    Ng wikang di akin-hiram at banyaga?

    Paulo:
    Tingnan mo nga kami-bakit ang inadap
    Ay wikang mula pa sa ibayong dagat?
    Tulad ng Bretanya: kami ay umunlad
    Gayong wikang hiram ang aming binigkas!

    Huwan:
    Kung iyan ang iyong wikang sinasabi,
    Wikang pinagmula’y higit na mabuti.

    Paulo:
    Tingnan ang Hapon sa klos dor palisi
    Ang ginamit lamang ay wikang sarili;
    En wat is di risolt op dat pangyayari,
    Natutong sulatin ay magulong kandyi.

    Huwan:
    Nakakatawa ka, hindi naging hadlang
    Sa bayan ng Hapon ang wikang minahal;
    Ang simula”t dulo ng ganyang dahilan
    Ay dala ng kanyang mga kaimbutan.

    Paulo:
    Kaya tingnan natin kung saan hahantong
    Ang nasyonal langweds na onli por pinoy.

    Huwan:
    Ang nakakatulad nitong pagtatalo:
    Pork tsap at hambardyer ang wikang Ingles mo;
    Ang wikang Tagalog naman ay adobong
    Masarap sa akin nguni’t di mo gusto.

    Dapat mong malamang ang wikang pambansa
    Ay kinamulatan mulang pagkabata;
    Ito ay ang buhay, kaluluwa at diwa. . .
    Ng pagkalahi ko sa balat ng lupa!

    (Wakas)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. interpretasyon po ng tulang ito....pleasee..salamat

      Burahin
  8. nice one....

    TumugonBurahin
  9. wala po bang mas malalim na ibig sabihin ang HISTORIA-MANO ?
    Proj. Lengggg >.<

    TumugonBurahin
  10. Anyo po Ng tula .plssss

    TumugonBurahin
  11. meron po bang halimbawa ng blangko berso?
    thanks

    TumugonBurahin
  12. Example po ng blangko berso thanks

    TumugonBurahin
  13. Magsukul mga kakasihhhh y tuud ako nag susun ulabun in sight ini sige na muna na ako magsukul balik ha ok ba bye!

    TumugonBurahin
  14. Useful....tanx....and God bless....

    TumugonBurahin
  15. Salamat po kuya! sobra po itong nakatulong saakin :) This is now one of my websites na often ko binibisita just for my modules and researches :))

    TumugonBurahin