Huwebes, Setyembre 23, 2010

Kabanata 26

Kabanata 26
Ang Bisperas ng Pista


Buod

Bisperas na ng piyesta sa San Diego. Pumatak ito ng ikasampu ng Nobyembre. Abala ang mga tao. Ang mga bahay ay may sari-saring dekorasyon. Mayroon nang nagpapaputok ng kwitis habang ang mba banda ng musiko ay nagpapaligsahan sa pagtugtog.

Ang mga mayayaman naman ay maraming handa. May mga bungang kahot, mga mamahaling alak na binili pa sa Maynila o kaya ay inimporta sa Europa. Meron ding, hamon, relyenong pabo at serbesa. Lahat ay inaanyayahan para sa salu-salo, mahirap man o mayaman, kaibigan man o kaaway.

Sa bahay-bahay, inilabas ang mga gamit na minana pa sa mga ninuno katulad ng ilaw, mga panyong binurdahan ng mga kadalagahan, mga belong ginantsilyo, alpombra, mga artipisyal na bulaklak, mga bandehang pilak at mga lalagyan ng tabako, sigarilyo, hitso at nganga.

Ang mga sahig naman ay pinakintab at ang mga bintana at pinto ay may mga kurtina. Pati ang mga santo ay pinalamutian.

May mga lugar na nilagyan ng arko. Sa may simbahan ay may malaking tolda sa patio at sa liwasan ay may tanghalan kung saan ang komedya ay idaraos gabi-gabi.

Ang kamapana ay tinugtog nang madalas kasunod ng mga paputok at kwitis.

Mayroong limang bandang nagsasalitan sa pagtugtog at tatlong orkestra para sa pagdiriwang.

May sugalan din kung saan ang may perang sina Kapitan Tiyago, Kapitan Joaquin at ang intsik na si Carlos ay naglalaro. Inaasahan pa ang mga mamamayang manggaling sa Lipa, Tanauan at Sta. Cruz ay maglalaro rin.

Si Pari Damaso ay nabalitang siyang magiging bangkero sa gabi.

Ang mga magbubukid ay may dalang mga manok, baboy, gulay at bungangkahoy bilang alay sa mayayamang may-ari ng kanilang lupa.

Si Ibarra ay abala sa pamamahala sa mga trabahador ng pinagagawa niyang paaralan. Si Nol Juan ang direktang nangangasiwa sa mga manggagawa kaya ipinaliliwanag niya na ang paaralan ay nahahati para sa mga lalaki at babaeng mag-aaral. Ang arkitekturang ginawa ni Ginoong A ay nahahalintulad aniya sa mga paaralan sa Alemanya.

Nag-alok ng tulong ang mga maykayang mamamayan kay Ibarra para proyektong ito. Ang kura paroko ang siyang magbabasbas sa paglalagay ng unang baton a gagawin sa huling araw ng pista.

Tumanggi si Ibarra sa tulong na inaalok ng mga mayayaman. Sasagutin niya ang gastos para sa proyekto.

Hinangaan siya ng mga binatang nag-aaral sa Maynila. Pilit na ginagaya ang maliliit na bagay na napupuna sa kaniya. Subalit nandoon din ang mga pagpuna sa mga ayos ng kurbata, pananamit, tsaleko at butones.

Dahil sa mga magandang pagtanggap sa kaniya at paghanga sa ginagawa niya, nakalimutan ni Ibarra ang paalala ni Pilosopo Tasyo. Ang pangaral ni Balagtas na "Kung ang isalubong sa iyong pagdating may masayang mukha’t pakitang gilliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim…siyang isaisip na kakabakahin.

9 (na) komento: