Kabanata 27
Sa Pagtakipsilim
Buod
Pinakamalaki ang handa ni Kapitan Tiyago sa pistang yaon sa San Diego. Ito ay parang pagbibigay karangalan niya sa kaniyang anak at si Ibarra na kaniyang mamanugangin. Hindi lang sa bayan popular si Ibarra. Kahit sa Maynila ay pinupuri siya ng diyaryo bilang magaling na negosyante.
Umangkat siya ng mga sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa. Binigyan pa niya ng pasalubong ang anak pagdating niya ng bisperas ng Pista.
Maganda ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. Ang mga kaibigang dalaga naman ni Maria ay nagkumbidang mamasyal si Ibarra kasama si Maria Clara na humingi ng pahuntulot sa ama.
Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago na kailangang umuwi ng maaga ang dalaga dahil darating si Pari Damaso. Inanyayahan niya rin si Ibarra na maghapunan sa kaniyang bahay.
Tumanggi si Ibarra dahil may darating daw siyang bisita.
Kasama ang mga kaibigang sina Iday at Victoria at ang kaniyang Tiya Isabel, si Maria Clara ay kasunod na pumanaog ni Ibarra.
Masaya si Maria Clara dahil hindi kagaya sa kumbento ay Malaya siyang nakakapasyal. Isa pang kaibigan niya na si Simang ang kanilang nadaanan. Inimbitahan nito si Maria Clara at ang mga kasama niya na umakyat sa bahay.
Nakita rin ni Ibarra si Kapitan Basilio na nagging kaibigan at tagapagtanggol niya nang sila ay magkasama isang gabi. Ibinalita ng kapitan na magiging banbkero si Pari Damaso sa monte.
Hindi kumibo si Ibarra at ngumiti lang siya.
Nang makarating sila sa liwasang bayan, nakita nila ang isang ketongin na nagpapalimos sa pamamagitan ng pag-awit sa saliw ng gitarang kaniyang tinutugtog. Hindi ito nilalapitan ng mga tao dahil diya ay pinadidirhan at takot silang mahawa sa sakit nito.
Naparusahan ang ketongin ng maraming palo dahil lang iniligtas niya ang isang nahulog sa kanal.
Naawa si Maria Clara nang makita niya ang ketongin kaya kinuha niya ang suot niyang agnos at ibinigay sa taong maysakit.
Kinuha ng ketongin ang ibinigay ni Maria Clara ay kaniyang hinalikan. Hinalikan din niya ang mga yapak ni Maria Clara. Naiyak si Maria Clara sa awa at pinakita nitong parang pagsamba.
Dumating ang tuluyan ng nawalan ng bait na si Sisa. Hinawakan niya ang ketongin at itinuro ang kampanaryo. Sinabi niya na nasa kampanaryo ang anak niyang si Basilio at bumababa sa lubid.
Itinuro naman niya ang kumbento at sinabi niyang nandoon naman ang anak niyang si Crispin. Pagkatapos ay umalis si Sisa na kakanta-kanta.
Umalis na rin ang ketongin. Ngayon lang napagtanto ni Maria Clara na may mga taong kapus-palad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento