Huwebes, Setyembre 23, 2010

Kabanata 25

Kabanata 25
Sa Tahanan ng Pilosopo


Buod

Nagpunta si Crisostomo Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo. Ayaw na sana niyang gambalain ang matanda dahil mayroon itong sinusulat pero si Pilosopo Tasyo na ang pumilit sa kaniya na mag-usap.

Ang isinusulat naman daw niya ay hindi para sa henerasyon nila kung hindi sa susunod na lahi na mas may malawak ang pag-unawa sa mga nagaganap.

Ipinagtapat ni Ibarra ang pakiramdam niya na siya ay isang banyaga sa sarili niyang bayan. Alam niyang mas kilala si Pilosopo Tasyo ng mga kababayan. Sinabi niya ang balak niyang magpatayo ng paaralan. Sabi ni Pilosopo Tasyo ay hindi siya dapat ang sanguniin dahil ang tingin sa kaniya ay isang baliw. Itinuro niya ang kura paroko, ang kapitan ng bayan at iba pang mamamayan na may sinasabi.

Pinayo niya sa binata na ang pagsangguni ay hindi ibig sabihing pagsunod sa lahat ng payo dahil marami dito ay hindi magagandang payo.

Kailangan aniyang makinig kunwari sa mga payo nila para walang problema.

Ayaw ni Ibarra ang ipatupad ang balak na may kasamang kasinungalingan. Kay Pilosopo Tasyo, ang tagumpay ng isang proyekto ay nasa kamay ng mga kapangyarihan sa pamahalaan at simbahan. Kung walang suporta ang mga ito ay walang mangyayari.

Naniniwala naman si Ibarra na tutulungan siya ng pamahalaan at ang kaniyang mga kababayan.

Ang paniniwala ni Pilosopo Tasyo ay kasangkapan lang ng Simbahan ang pamahalaan. Ang talagang makapangyarihan ay ang mga nasa Simbahan. Kapay inalis ng simbahan ang suporta sa gobyerno, ito ay babagsak.

Ayon naman kay Ibarra, ang mga kababayan nila ay hindi dimadaing katulad ng nasa ibang bansa. Ang paghihirap ng bayan ay sinisisi niya sa di pagtulong nga relihiyon at pamahalaan.

Kay Pilosopo Tasyo naman, ang hindi pagdaing ng bayan ay hindi dahil sa hindi sila naghihirap. Pipi lang sila at ayaw magsalita.

Naniniwala siya na darating ang panahon na ang pagtitimpi na ito ay sasambulat pagdating ng panahon. Maisusulat sa kasaysayan ang pagdilig ng dugo upang makalaya.

Niliwanag ni Ibarra na ang Pilipinas ay tatangkilikin ng Espanya dahil ito mahal nito ang bansa. Ang Diyos, ang Relihiyon at ang pamahalaan ay hindi papayagang mangyari ang inisip ni Pilosopo Tasyo na madugong himagsikan.

Ang paniniwala ni Pilosopo Tasyo ay kahit na anong magandang balak ng mga Namumuno sa itaas kung hindi naman natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at ang kamangmangan pa ng mga tao, wala ring silbi.

Ang mga ipinadadala sa bayan ay nagpapayaman lamang sa maikling panahon. Napansin ni Pilosopo Tasyo na nawawala na sila sa paksang pinag-uusapan nila. Si Ibarra naman ay inungkat pa rin ang hinihinging payo sa matansa. Ang payo ni Pilosopo Tasyo ay kailangang yumuko muna si Ibarra sa mga makapangyariham

Hindi maunawaan ni Ibarra ang ipinapayo ni Pilosopo Tasyo sa kaniya kaya nilinaw niya sa matanda kung bakit kailangan niyang yumuko sa mga may kapangyarihan.

Kung bakit kailangang magpa-api upang maging mabuting Kristiyano at kung bakit kailangan niyang magpakababa kung maari naman siyang magtaas ng ulo.

Sinagot ni Pilosopo Tasyo si Ibarra na ito ay dahil ang kanilang lupa ay hawak ng mga mapanakop na makapangyarihan. Mahina ang mga tao para lumaban kaya kailangan na lang humalik sila sa kamay ng mga kaaway.

Galit si Ibarra. Paano siya makakahalik sa kamay mg mga taong pumatay na sa kaniyang ama at hinukay pa ang kaniyang libingan.

Nguni’t sinabi niya na hindi siya nakakaisip maghiganti dahil sa kaniyang relihiyon. Sinabi niya na hindi siya makakalimot sa ginawa sa kaniyang ama.

Payo ni Pilosopo Tasyo na kung hindi niya makakalimutan ang nangyari sa kaniyang ama, mabuti pang huwag na niyang ituloy ang balak niyang magpatayo ng paaralan.

Mag-isip na lang daw siya ng ibang paraan para makatulong sa kaniyang mga kababayan.

Gusto man ni Ibarrang sundin ang matanda, inisip niya ang pangako niya kay Maria Clara.

Para maunawaan ni Ibarra ang kaniyang ibig sabihin, ipinakita niya ang tanim ns rosas na maraming bulaklak. Pinapansin niya ang pagyuko nito pag malakas ang hihip ng hangin. Aniya, pag lalaban sa bugso ng hanging ang tanim, marami itong tangkay na mababali.

Ipinakita rin ang puno ng makopa. Ito ay maliit lang na puno nang itinanim at kailangan pang tukuran hanggang ang ugat nito ay kumapit sa lupang kinatataniman.

Inihalintulad ni Pilosopo Tasyo si Ibarra sa isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa isang magandang lupa sa Europa.
Tulad ng makopa, kailangan niyang may masasandalan para maging matibay.

Kailangan din niyang yumuko sa mga darating na punlo. Ang pagsalubong ng punlo ay paghahangad ng kasawiang hindi na makakabangon pa.

Tinanong ni Ibarra kung talagang taos sa puso ng kura ang pagtulong sa kaniya at ito ay tatananwin na utang na loob.

Sinabi na lang ni Pilosopo Tasyo na sa kalaunan, may mahihita ring kabutihan si Ibarra sa binabalak dahil ang pagtuturo ay parang pagtatanim na may mag-uusbong na mabuti. Magiging halimbawa din si Ibarra sa mga taong natatakot na magsimula.

Umalis si Ibarra matapos magpasalamat kay Pilosopo Tasyo at nagbaba sakali siyang ang bagong kura ay hindi kagaya ng nakalaban ng kaniyang ama.

Papakiusap din niya sa kura na tulungan ang balo ang at mga anak.

7 komento:

  1. ano ang kahulugan '' hindi lahat ng ating ninuno ay mahimbing ang pagkatulog'' ?

    TumugonBurahin
  2. Thanks a lot! This is really helpful. ����

    TumugonBurahin
  3. ano yung sinisimbolo ng kabanata 25?

    TumugonBurahin
  4. ano ang dalawang payo ni pilosopo tasyo?

    TumugonBurahin