Kabanata 24
Sa Kagubatan
Buod
Kakain sana ng almusal si Pari Salvi matapos niyang makapagdaos ng misa nang may matanggap siyang sulat na inabot ng kaniyang katulong.
Pagkabasa niya nito ay pinagpunit-punit na at pinahanda ang karuwahe. Papunta siya sa piknikan.
Hindi niya na pinatuloy ang karuwahe sa mismong lugar ng piknik.
Pinabalik niya na ito sa kumbento at naglakad na lang siya papunta sa may dalampasigan.
Narinig niya ang pag-uusap ng mga kadalagahan kung saan nalaman niya na naghahanap ng pugad ng gansa si Maria Clara.
May paniniwala kasi ang mga matatanda na sino mang makakita ng pugad ay magkakaroon ng kapangyarihan upang di makita.
Ibig niyang masundan si Ibarra na hindi siya nakikita nito.
Gusto mang sumunod ng pari sa mga kadalagahan ay napigil niya ang sarili. Minabuti na lang niyang pumunta sa mga kasamahan ng mga ito sa piknikan. May nakapansin sa galos niya. Sinabi na lang niya na naligaw siya.
Pagkatapos nang pananghalian, pinagkuwentuhan ni Pari Salvi ang nangyari kay Pari Damaso na dahilan ng pagkakasakit ng matandang kura.
Sa pagtitipon ay dumating si Sisa. Pinilit ni Ibarra na pakainin ang ina nina Crispin at Basilio pero tumakas ito.
Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap na nagawi sa pagkawala ni Crispin at Basilio. Nagalit si Don Felipo kay Pari Salvi dahil mas mahalaga pa rito ang nawawalang onsa kaysa sa kaniyang dalawang sacristan.
Inawat ni Ibarra si Don Felipo at Pari Salvi sa pag-aaway. Pinangako niyang tutulungan niya si Sisa.
Ang mga kababaihan naman at kabinataan ay naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Nakumpok si Ibarra at inihagis ang dais. Tinanong niya kung magtatagumpay ang kaniyang binabalak. Tumama ito sa sagot na ang pangarap ay mananatiling pangarap lamang. Hindi siya naniniwala sa sagot at sinabi niyang kasinungalingan yon.
Ipinakita niya ang sulat galling sa kaniyang bulsa na binibigyan siya ng pahintulot para magtayo ng paaralan.
Hinati ni Ibarra ang sulat sa dalawang bahagi. Ang isa ay ibinigay niya kay Maria Clara at ang isa ay ibinigay niya kay Sinang na halos lahat ng natanggap na sagot ay taliwas sa gusto niyang mangyari.
Lumayo na si Ibarra sa grupo na tamang-tama naman na dumating si Pari Salvi. Nagalit ito at nang makitang naglalaro ng Gulong nga Kapalaran ang grupo.
Pinagpupunit niya ang libro at sinabing malaking kasalanan ang maniwala sa sinasabi dito.
Nainis din si Albino sa ginawi ng pari at sinabihan ito na mali rin ang sirain ang hindi niya pag-aari.
Hindi pinatulan ni Pari Salvi si Albino. Bumalik na lang ito sa kumbento.
Dumating ang guwardiya sibil kasama ang sarhento at hinahanap si Elias. Pinagbibintangan si Elias na siyang nanakit kay Pari Damaso. Nagalit sila kay Ibarra dahil inanyayahan ito sa piknik.
Nagalit si Ibarra sa pakikialam sa kaniya kung sino ang aanyayahan niya sa kaniyang piknikan. Hinanap ng mga guwardiya sibil si Elias ang gubat pero hindi nila nakita ang hinahanap. Si Elias din umano ang nagtampalasan sa alperes.
Umalis sa gubat ang mga binata’t dalaga nang magsimula nang dumilim.
Thanks for this ....
TumugonBurahingood job
TumugonBurahin