Huwebes, Setyembre 23, 2010

Kabanata 23

Kabanata 23
Ang Piknik


Buod

Bata’t matanda at mga kadalagahan ang maagang dumating sa tagpuan sa dalampasigan. Dalawang Bangkang nagagayakan ng iba’t ibang kulay ng bulaklak ang naghihintay sa mga sasama sa pangingisda Madilim pa ay dumating na ang mga katulong na babae na mayroong dala-dalang mga pagkain at pinggan.

Meron ding mga sari-saring instrumentong dala ang mga kabataan.

Kasama ni Maria Clara ang kaniyang matatalik na kaibigan. Sila ay masayang naglalalad, nagkukuwentuhan at nagbibiruan.

Sinasaway sila ni Tiya Isabel at ang ibang mga matatanda sa kanilang maingay na usapan at tawanan.

Naghiwalay sila ng bangkang sinakyan sa takot na lumubog ito sa maraming sasakay na kabinataan.

Nagsama-sama ang mga lalaki kung saan meron silang nililigawan. Si Maria Clara naman ay nakasakay sa Bangka kung nasaan si Crisostomo Ibarra.

Tumahimik ang mga dalaga sa harapan ng mga lalaking kanila ring nagugustuhan.

Ang piloto ng dalawang Bangka ay si Elias; isang matipuno, matikas at maitim. Mahaba rin ang buhok nito ngunit ang kaniyang katawan ay siksik ng laman.

Kumanta ng isang kundiman si Maria Calara habang naghihintay ng agahan.

Matamang nakinig ang mga kasama niya. Si Andeng na siyang naghahanda ng pagkain ay nagsabi na kulang na lang ang isda sa niluluto niyang sinigang.

Ang dalawang grupo ng nagpipiknik ay nasa baklad na ni Kapitan Tiyago. Isang anak ng mangingisda ang nagtangkang magpandaw sa palaisdaan. Wala siyang nahuli ni isa.

Si Leon ang katipan ng kaibigan ni Maria Clara na si Iday ay sumalok din sa baklad. Wala rin siyang nahuli.

Sinabi niya ang hinala niya na may kumakain sa mga isda sa baklad kaya nangawala.

Si Elias ay biglang tumalon sa tubig. Ang takot ng mga kababaihan. Ang mga lalaki ang nagsabi sa kanila na sanay si Elias sa paghuli ng buwaya.

Nahuli nga ni Elias ang buwaya pero malakas itong lumaban sa binata. Malapit nang matalo si Elias nang lumundag din si Ibarra sa tubig para tulungan si Elias.

Hindi hinimatay sa takot si Maria Clara. Hindi inaasahan ang dalagang magpakita ng takot sa pamamagitan ng paghihimatay.

Patuloy ang labanan sa ilalim ng tubog kaya isa pang anak ng mangingisda ang tumalon sa tubig na may dalang gulok.

Lumitaw na naman si Ibarra at si Elias. Iniligtas ni Ibarra ang buhay ni Elias.

Hindi man hinimatay si Maria Clara ay hindi naman ito nakakibo nang matagal. Natauhan lang siya nang Makita niyang ligtas ang kasintahan.

Marami namang isda ang nahuli ng mga nagpipiknik. Pumunta sila sa gubat na pag-aari ng pamilyang Ibarra.

Kumain sila sa lilim ng mga puno na malapit sa batisan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento