Kabanata 1
Isang Pagkapisan
Si Kapitan TIYAGO na ang tunay na pangalan ay SANTIAGO DELOS SANTOS ay nag-anyaya ng isang piging hapunan sa kaniyang bahay sa Anluage.
Maraming dumalo sa anyaya dahil kilala si Kapitan Tiyago bilang bukas ang palad at ang bahay sa mga nangangailangan ng kaniyang tulong.
Lahat ay nag-alala kung ano ang isusuot sa dahilang inaasahan nila ang pagdalo ng mga sikat at kilalang tao.
Si Tiya Isabel, matandang pinsan ng Kapitan ang nag-asikaso sa mga panauhin na pinuno ang malaking bulwagan.
Kabilang sa mga maraming panauhin ay ang tinyente ng guardiya sibil, si Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, and madaldal at mapanginsultong si pari Damaso na at dalawang paisano na ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Nag-uusisa ang dayuhang kararating lang sa bayan tungkol sa mga asal ng Pilipino.
Siya ay naglakbay sa sarili niyang salapi upang mabatid niya ang tungkol sa mga katutubong Pilipino o Indiyo.
Sa mainit na pagtatalo, lumabas ang mga panlilibak ni Pari Damaso sa mga Indiyo; kung gaano kababa ang pagtingin niya sa mga ito at maging ang mga Kastila. Upang mahinto ang patuloy na paghamak ni Pari Damaso, binago ni Pari Sybila ang takbo ng usapan.
Natungo kay Pari Damaso ang usapan tungkol sa kaniyang pagkakalipat mula sa San Diego kung saan siya ay kura paroko nang mahigit na dalawapung taon.
Inireklamo ng pari na walang karapatan kahit ang hari na makialam sa simbahan at sa pagpaparusa nito sa mga erehe.
Ang Tinyente ng Guardia Civil na isinaad na may karapatan ang Kapitan Heneral makialam dahil ito ang kinatawan ng hari sa bansa ang nagbanggit kung bakit si Pari Damaso ay inilipat. Ayon sa kaniya, inutos ng pari na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na tao dahil sa ito ay hindi nangungumpisal.
Umalis ang tinyente pagkatapos nitong sabihin na tinuring ng Kapitang Heneral na ito ay mali kaya ang paglipat ay isang kaparusahan. Galit na galit si Pari Damaso na pinayapa naman ni Pari Sybila.
Dumating ang mga ibang panauhin na kasama ditto ang mag-asawang sina Dr. Tiburcio de Espadana at Donya Victorina.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento