Kabanata 2
Kasamang dumating ni Kapitan Tiyago ang binatang si Crisostomo Ibarra na nakadamit pangluksa. Masayang binati ng kapitan ang mga panauhin at humalik sa mga kamay ng pari na hindi siya benindisyonan dahil sa pagkagulat.
Si Pari Damaso ay hindi nakaimik at namutla sa pagkakita kay Ibarra. Si Ibarra ay pinakilla ni Kapitan Tiyago na anak ng kaniyang kaibigang namatay. Kararating pa lamang nito sa Europa kung saan siya ay tumirang pitong taon upang mag-aral.
Si Crisostomo Ibarra ay kayumanggi kahit na ito ay may dugong Kastila.
Tumangging makipagkamay si Pari Damaso kay Ibarra at ikinaila nito na kaibigan niya ang yumaong ama ng binata.
Iniurong ni Ibarra ang kaniyang palad at tumalikod na lamang. Kinausap naman siya ng Tinyente na nagpasalamat at dumating siyang ligtas.
Sa pag-uusap nila, pinuri ng tinyente ang nasira niyang ama na ikinagalak ni Ibarra dahil maganda pala ang pagkakakilala sa kaniya. Patuloy ang masamang sulyap ni Pari Damaso sa tinyente na ikinainis nito ay lumayo na lang siya kay Ibarra.
Naiwan si Ibarra na walang makausap. Dahil sa kaugaliang natununan niya sa ibang bansa, hindi siya nahiyang lapitan ang mga panauhin upang ipakilala ang kaniyang sarili.
Hindi sumagot ang mga babae upang magpakilala. Ang mga lalaki lamang ang nakipagkamay at nagsabi ng pangalan. Isa rito ay isang manunulat na huminto na sa pagsulat.
Lumapit kay Ibarra ang isang panauhin, si Kapitan Tinong upang anyayahan siyang tanghalian kinabukasan. Tumanggi siya dahil siya ay pauwi sa San Diego.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento