May dalawang pangunahing anyo ang panitikan, ito ang tuluyan at patula. Ang tuluyan o prosa na sa salitang Ingles ay prose. Ito ay maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
Ang patula o panulaan na tawag sa salitang Ingles ay poetry. Ito ay pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.
parehas lang ba yung anyo sa uri?
TumugonBurahin