Miyerkules, Setyembre 1, 2010

Mga Akdang Pampanitikan

Mga akdang tuluyan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap.

1. Alamat - ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan.Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa rito.

2. Anekdota - ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.Ginagalawan ito ng maraming tauhan.

3. Nobela - Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.

4. Pabula - Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.

5. Parabula - isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.

6. Maikling kwento - ito'y salaysaying may isa o ilang tauhan,may isang pangyayari sa kakintalan.

7. Dula- ito'y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.Nahahati ito sa ilang yugto,at bawat yugto ay maraming tagpo.

8. Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

9. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

10. Talumpati - isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado.

11. Balita - ay ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan.

12. Kwentong bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.

13. Salawikain - ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

14. Kasabihan - kawikaang nagsasaad ng ating karanasan.

Mga akdang patula

Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.

1. Awit at Korido - isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.

2. Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala

3. Balada - isang uri o tema ng isang tugtugin.

4. Sawikain - ay maaaring tumukoy sa:
    A. idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
    B. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
    C. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.

5. Bugtong - Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).

6. Kantahin - ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng makikinig

7. Tanaga - isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.

8. Tula - Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.

29 (na) komento:

  1. Panahon ng Katutubo ? wala?

    TumugonBurahin
  2. Balada (ballad) ang ugat ng tulang romansa. Ang balada ay isang maikling tulang pasalaysay na karaniwang nakaugnay sa alamat o kwentong-bayan. Kasabay ng pag-usbong ng pananalig sa Kristiyanismo sa buong Europa, lalo na ng debosyon kay Birheng Maria, sumikat ang tulang romansa. Sa tulang ito, ang debosyon ay patungkol naman sa isang babae, dugong bughaw, maaaring asawa ng hari o panginoon. Idinaraan ito sa isang ritwal sa korte ng kaharian, tulad ng ginawa ng mga Trubador sa Provence, isang lalawigan sa Pransya. Bumibigkas ng mga tulang liriko ang isang kabalyero (knight). Sinasabi sa tula na walang pasubali ang pagsunod ng kabalyero sa ipinag-uutos ng kanyang reyna o dama bilang patunay ng kanyang katapatan dito. Mula roon, kumalat na ang ganitong pagbigkas hanggang sa makarating din sa Inglatera. Dahil ang orihinal ng mga tulang lirikong ito ay nasa wikang Pranses, nagkaroon ito ng bersyon sa mga wikang Ingles, Espanyol, at iba pang wika ng karaniwang mamamayan.

    TumugonBurahin
  3. Akdang pangbansa at akdang rehiyonal, please?

    TumugonBurahin
  4. parang hindi po sya kumpleto :)

    TumugonBurahin
  5. Ano po ba yung Kayarian pangwika?

    TumugonBurahin
  6. teacher po namin, may sinulat na parsa... ano po yon?

    TumugonBurahin
  7. i am a nigga man

    TumugonBurahin
  8. Thank you po

    TumugonBurahin
  9. salamat dito..ang laki po ng tulong

    TumugonBurahin
  10. ano yung epistolarya?

    TumugonBurahin
  11. hindi yan kumpleto. Sa Wikipedia kumpleto

    TumugonBurahin
  12. Kahalagahan, please?^^

    TumugonBurahin
  13. Ano po akdang pampanitikan ng Sultan Kudarat ? T.Y

    TumugonBurahin
  14. ano po ba ang pagkakaiba ng nobela sa iba pang pampanitikan

    TumugonBurahin
  15. bakit po kailangan buhayin ang akdang pampanitikan?

    TumugonBurahin
  16. Keep posting things like this to help us,students,on our homeworks.Btw thanks for the info.

    TumugonBurahin
  17. sino po ang may akda ng KUNG BAKIT MAY TAGSIBOL AT TAGLAGAS

    TumugonBurahin
  18. Sabi po ng teacher ko may salawikain din

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. BAKIT WALANG SAWIKAIN?

      Burahin
    2. sorry di ko lang napansin wrong send

      Burahin
  19. Anong pagkakaiba ng kwentong bayan at alamat??

    TumugonBurahin