Sina Adlaw at Bulan
Ito ay isang
kuwentong bayan ng Tinggiyan
Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at pagmamahalan. Sila'y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin ni Adlaw na lubha ng masikip sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan.
Kinausap ni Adlaw si Bulan at sinabi sa asawa na
pagpapatayin nila ang iba nilang mga anak upang lumuwag ang kanilang
tirahan.Tinutulan ni BUlan ang mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng
mainit nilang pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang bahay sapagkat
halos araw-araw ay nag-aaway sila. Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya
niyang makipaghiwalay sa asawa na lalo namang ikinagalit ni Adlaw. Hindi
nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw na makipaghiwalay sa kasunduang isasamang
lahat ni Bulan ang mga anak na bituin at hindi na pakikita sa kanya ang
mag-iina.
Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumusikat si Adlaw
(Araw) sa araw at sa gabi naman ay lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama ang mga
anak na bituin. Kapag ang dating mag-asawa'y nagkakatagpo ay lalong tumitindi
ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya hinahabol niya ito na nagiging dahilan ng
eclipse.
bakit ang sabi po sa ibang kwento na kaya nagkahiwalay si Bulan at Adlaw ay dahil di sinunod ni Adlaw ang bilin ni Bulan na wag bibigyan ng halik ang kanilang anak sapagkat ito daw po ay mamamatay.
TumugonBurahinIba po kase ung nabasa mo.Kwentong pan tao ata yun.Kwentong Araw at buwan naman to e.
BurahinANG BATIK NG BUWAN yung sinasabi mo hindi Sina Adlaw at Bulan
Burahinanong kind of story to alamat ba?
TumugonBurahin3 paksa ng story
TumugonBurahinquestion,ano po ang lesson nito??
TumugonBurahinAnong uri Ng akda Ang binasa?
TumugonBurahinIbang na basa
TumugonBurahin