Mga kasabihan at paliwanag sa modernong panahon:
Bawal bumili ng
karayom sa gabi. Mabubulag ka.
—Malamang iniisip ng mga matatanda na sa gabi ka ring iyon
magtatahi. Hindi pa naman syempre uso noon ang kuryente sa mga probinsya kaya
kandila ang gamit nilang ilaw. Ikaw ba naman magtahi na kandila lang ang gamit
e ewan ko lang kung di ka mamatay na hindi lumalabo ang mata mo. Sa pagpasok pa
nga lang ng sinulid sa butas ng karayom ay mahirap na, magtahi pa kaya?
Wag tumuloy sa lakad
pag may pusang itim na tumawid sa kalsadang dinadaan niyo. May maaaksidente.
Pwedeng ikaw o yung mga taong iniwan niyo sa bahay.
—Ex. Gipit na ang pamilya niyo sa pera pero nagpupumilit
sumama ang anak niyo sa outing ng mga kaibigan niya. Hindi siya mapigilan ng
mga magulang niya sa pagalis kasi meron siyang perang inipon (uutangin sana ng
pambili ng bigas). Kaya ang solusyon ng tatay, manghiram ng itim na pusa at
padaanin ito sa unang kanto ng sa lugar nila pagalis ng anak niya. Syempre
matatakot yung anak niya dahil may itim na pusa kaya ayon, hindi na siya sumama
sa outing. Yan ang style noong unang panahon pa lang.
May dadating na
bisitang babae pag nalaglag mo ang kutsara habang kumakain at lalaking bisita
naman pag tinidor.
— Ang Tinidor ay patusok. Nagsisimbulo ng pagkalalaki.
Ang Kutsara ay palapad, simbulo ng pagkababae. Style ito ng mga lolo at lola
natin para mapabilib nila tayo. Bilang nakatatanda, ginagalang natin sila dahil
sila ang mas maraming nalalaman kesa sa atin. Style nila ito para manatili ang
ating respeto at paghanga sa kanila.
Ex. Alam ng Lolo mo na dadating si Mang Igme sa bahay niyo
ngayong tanghali dahil nagsabi na ito nung nakaraang linggo na babalik siya sa
susunod na linggo sa parehong oras. Since yung lolo mo lang yung pinagsabihan
ni Mang Igme, magkakaroon na siya ng tiyansa para magpasikat. Habang kumakain
kayo ng tanghalian sasadyain ni lolo mo na malaglag ang tinidor ng paborito
niyang apo at agad niyang sasabihin “Naku, may bisita tayong lalaking
dadating”. Mabibilib ka na lang dahil mayamaya lang ay nandiyan na si Mang Igme
sa hapag kainan niyo.
Pag nabungi ka sa
iyong panaginip, may miyembro ng inyong pamilya ang mamatay. Kumagat sa pinto o
haligi para hindi matuloy.
— Noon, hindi masyadong vocal ang mga tao. Madalang
sabihan ng mga anak ang kanilang mga magulang ng ‘Mahal kita’ o ‘Mahal ko
kayo’. Paano malalaman ng mga matatanda na mahal sila ng kanilang mga anak o
mga apo? aantayin nilang mabungi ang kanilang mga anak sa panaginip at pag
nagkuwento sa kanila tungkol sa kanilang panaginip ay sasabihin agad nitong
“Naku, masama yan, baka lumalala na talaga ang sakit ko. Baka mamatay na ako.”
(Syempre bago mangyari iyon ay nakwento na ng mga nakakatanda ang kanilang
dapat gawin pag nakapanaginip sila ng ganoon). Pag kumagat ang anak/apo sa
pinto o haligi, ibig sabihin nun ay mahal sila ng kanilang anak/apo. Pag hindi
kumagat, hindi na sila mahal. Ang tanong, ba’t sa pinto o haligi? Dati, lahat
ng pinto o haligi ay pawang gawa sa kahoy. Pag kumagat doon ang kanilang
anak/apo, babaon iyon at magiiwan ng bakas. Ang bakas na iyon ang kanilang
magiging inspirasyon sa kanilang pagiisa sa bahay kapag nasa eskwela o trabaho
na ang kanilang mga anak. “Kahit pala matanda na ako, mahal pa rin nila ako..”.
Bawal magligpit
hangga’t di pa tapos kumain lahat ng nasa hapag kainan. Hindi raw
makakapag-asawa.
— Tanong, sino ang naiiwan lagi sa hapag kainan pag
kumakain ang buong pamilya? malamang sina lolo’t lola na kung hindi nakapustiso
ay gilagid lang ang ginagamit sa pag-nguya. Pag nagligpit ka, prinepressure mo
sila na kumain ng mas mabilis na hindi nila kayang gawin dahil nga gilagid lang
o pustiso ang kanilang pinangkakagat (hilig din ng matatanda manimot ng mga
ulam lalo na pag isda dahil nanghihinayang sila kung itatapon lang). Kaya isang
araw, nagkasundo si lolo’t lola mo na ang magligpit ng hapag kainan hangga’t di
pa tapos lahat ay hindi mag-aasawa. Sino ba namang tao ang hindi gusto
makapag-asawa diba? (maliban lang kung magma-madre o magpa-pari)
Bawal kumanta habang
nagluluto. Hindi rin makakapag-asawa.
— Ayaw ni lolo at lola mo na ang uulamin niyong buong
pamilya ay titilamsikan mo ng laway. Simple. Kaya wag mo na subukang kumanta pa
habang nagluluto.
May nakaalala daw sa
iyo pag nasamid o nabulunan ka habang kumakain.
— Usually, ikaw na nabulunan ay manghihingi ng
number na may katumbas na letra. At ang letrang iyon ang simula ng pangalan ng
taong nakaalala sa iyo. Pinauso ito ng mga matatanda para pakalmahin ka,
Checkin kung ok ka lang at gawin kang katatawanan.
Ex. “Uhummm uhummmm uhummm… Number nga!” (E kabisado nya na
ang ‘J’ ay pang 10 letra yun ang sasabihin niya dahil si Joseph ang nanliligaw
sayo). Magbibigay muna ng mga dalawang maling pangalan ang nakatatanda.
“Joshua? ay hindi, Joel? ah!! alam ko na! Si Joseph yung bantay sa kapilya
naaalala ka!”
Itapon ang ipin sa
bubong at papalitan ito ng daga
– Bakit hindi aso? Bakit hindi pusa? Ang ipin ng daga ay mas
nahahawig sa ipin ng tao. lalo na ang 2 ipin sa harap kumpara sa aso at
pusa na matatalas. Sinasabi rin ito ng matatanda bilang pampalubag loob sa mga
batang nahihiyang ngumiti at makipaglaro sa mga kaibigan. Sinasabi lang ito ng
matatanda kapag hindi pa permanent tooth ang nabungi sa bata. Kaya ang mga
bata, magugulat dahil totoo nga na napalitan ang kanilang ipin pagkalipas lang
ng ilang linggo.
Mauunang mamatay ang
nasa gitna pag 3 kayong nagpapicture.
– Hindi lang napapansin ng karamihan, ngunit likas sa tao
ang bigyan ng atensyon ang mga mas nakakatanda. Tumingin kayo sa mga grand
family picture niyo. Sino ang nasa gitna? Sina lolo at lola hindi ba? Kung sino
ang special, siya ang nasa gitna. Lalo na noong panahong sobrang konti pa lang
ang mayroon camera at sobrang mahal ang magpakuha ng litrato. Ngayon, dahil sa
digital camera, pwede na ang magpalipat-lipat ng pwesto. Kahit ang lolo at lola
mo ang nasa magkabilang dulo at naka-wacky pa. Pero meron pa rin namang mga
nagpapatuloy ng mga gawaing ito. Ang mga class picture natin. Sino ang
nakapwesto sa gitna? Walang iba kundi ang adviser mo na di hamak na mas matanda
at mataas ang posibilidad na una siyang mamatay kaysa sayo.
Wag matutulog na basa
ang buhok. Mabubulag ka.
– Una, hindi ito applicable sa mga kalbo. Pangalawa, para
mapatunayan niyo ito sa sarili niyo, subukan niyo ito ng kahit isang beses.
Hindi totoo na mabubulag ka. Pero totoo na gigising ka na blurred ang iyong
paningin. San ba nagsisimula ang pagkabulag? Edi sa panlalabo ng paningin. Kaya
nila nasasabi na mabubulag ka, hindi nga lang agad-agad kundi pag pinagpatuloy
mo ang pagtulog na basa ang buhok. Lalo na noong unang panahon na wala pang
magagandang tela na bath towel na nakakaabsorb ng tubig sa buhok at lalo ng wala
pang electric fan at hair dryer at blower.
Wag magpapalit o
kakain sa dalawang plato. Dalawa ang magiging asawa mo.
– Hindi nilinaw ng kasabihan na ito kung dalawa bang sabay
ang magiging asawa mo o mabibiyuda ka at makakapag-asawang muli. Ang pinaka punto
lamang nito ay ang kakuntentuhan ng tao sa isang bagay. Kung kuntento ka na sa
isang platong kinainan mo, hindi mo na kailangang maghanap o magpalit pa ng
ibang plato. Ang simpleng pag-uugali kung minsan ay lumalarawan sa kabuuan ng
ating pagkatao.
Wag magpalumbaba.
Lalapitan ka ng malas.
– Dahil ba ito sa pose ni Ninoy sa 500 peso bill? o dahil sa
kasabihang ito kaya ganun ang naging pose ni Ninoy sa 500 peso bill? Ang
pagpalumbaba ay nagiging natural na postura ng tao kapag sila ay nag-iisip ng
malalim at matagal at kadalasang natutulala at napapadiretsong idlip. Sinasabi
ito ng mga tao matatanda sa mga tindero at tindera nila noon dahil bukod sa
mahahalata ng mga tao na matumal ang kanilang benta ay matutukso ang mga
tindero na maidlip.
Wag magwalis sa gabi.
Lalabas ang grasya.
– Noon, may halaga ang ating 1 sentimo. Hindi pa rin noon uso ang mga bumbilya at gumagamit lamang sila ng gasera. Mawawalis ang mga nakakalat na barya sa sahig kapag nagwalis sila sa gabi. Kaya iniiwasan nila ito.
– Noon, may halaga ang ating 1 sentimo. Hindi pa rin noon uso ang mga bumbilya at gumagamit lamang sila ng gasera. Mawawalis ang mga nakakalat na barya sa sahig kapag nagwalis sila sa gabi. Kaya iniiwasan nila ito.
Bawal isukat ang
damit pangkasal. Hindi matutuloy ang kasal.
– Binubuo ito ng element of surprise. Sa araw lamang ng
kasal ito dapat isuot. Para mapangalagaan ang pagiging espesyal ng okasyong
inyong pinaka-aabangan.
Bawal magpakasal ang
magkapatid sa loob ng isang taon o pag may namatay na kamag-anak. Sukob.
Mamalasin ka.
– Sukob dahil sa gastos. Dahil magastos ang mag-pakasal at
magpalibing. Dapat 1 year ang pagitan. Para maka-ipon at magpagpa hinga muna
ang mga kamag-anak na magreregalo sa inyo. Isang malaking sumpa ang wala ng
magastos na pang-ulam ang mga bagong kasal hindi ba? Hindi rin maganda
magdiwang at magsaya agad pagkamatay ng nanay o tatay mo.
Wag didiretso sa
bahay pag galing sa lamay, susundan ka daw kasi ng patay
-Kailangan daw na tumambay ka muna sa kung saan tulad ng
tindahan, ihawan para mailigaw ang kaluluwang susunod sa iyo. Malamang ay ayaw
lang ng nag-imbento ng kwento na ito na malaman ang nakakatakot na pangyayari
sa buhay ng namatay. Sila yung mga taong takot sa horror story at ni ayaw
sumilip sa kabaong dahil hindi daw nabubura sa kanilang isip.
Kapag may inutos daw
sayo ang tao bago ito mamatay at hindi mo nasunod, ay mumultuhin ka nito
–Ito ay panakot lang ng mga magulang sa kanilang mga anak
para sundin sila palagi ng kanilang anak dahil ang buhay ng tao ay hindi
permanente at sa kahit anong oras ay pwede tayong mamatay
Pag namatay na
mabait, diretso sa langit. Pag namatay na masama, diretso sa impyerno. Pag
medyo-medyo, diretso sa purgatoryo.
-Ito ay panakot lamang ng mga pari na isinabuhay na ng mga
tao. Ito ay isang paraan para magkaroon ng lipunan na binubuo ng mga taong
mababait. Ang purgatoryo ay isa raw lugar kung saan dadalisayin ka sa iyong
nagawang kasalanan. Ang haba raw ng itatagal ng tao dito ay nakadepende sa
nagawa mong kasalanan. At para mapaiksi daw ang paglalakbay ng taong namatay ay
kailangan siyang tulungan magdasal ng mga mahal sa buhay. Ang purgatoryo ay
wala dati sa mga aral ng Roma Katolika at umusbong lang noong 1215 sa Lateran
Council at muling umusbong noong 1431 sa Leon Council at Trent Council sa
pagitan ng 1545 hanggang 1563. Totoo bang may langit at impyerno? Yan ay
nakadepende na sa paniniwala ng tao, pero ang langit at impyerno ay mababasa
mismo sa reperensya ng mga kristiyano, ang Biblia. Ngunit ang Purgatoryo ay
hindi nakasulat sa biblia at interpretasyon lang.
Kailangan daw
binyagan ang bata para di madaling magkasakit
–Walang malinaw na paliwanag ang siyensa sa paniniwala dito
ng mga katoliko. Ginawa lamang ito para akitin ang mga magulan na ipabinyag ang
kanilang anak noong panahon na hindi pa nadidiskobre ang ‘immune system’,
‘vaccine’ at ‘vitamins and minerals’.
Pag patulis daw ang
tiyan ng buntis ay lalaki at pag bilugan naman ay babae
-Ang matulis ay phalic symbol lamang (ari ng lalaki) kaya
nila naisip na kapag lalaki ay “Matulis” at bilog naman pag babae.
Bawal daw maligo ng 1
linggo, pagka-panganak dahil mabibinat
-Marami na ang nagpatunay na hindi ito totoo. Sinasabi
lamang ito noon para mabigyan ang nagbuntis ng higit pa sa espesyal na atensyon
ng kanyang asawa at pamilya. Kadalasan ay hindi pinapakilos ang bagong
panganak. Ngunit sa ibang bansa ay bumabangon agad at gumagawa ng gawaing
bahay. Isa pa, ang mga gawaing bahay noon ay pisikal tulad ng paglalaba na
hindi pa ginagamitan ng washing machine, igib ng tubig noong panahong wala pang
gripo at pagluluto ng wala pang kalan.
Pag kumain ng kambal
na saging ang buntis, ay magiging kambal ang anak
-Nakatsamba lang siguro ang unang kumain nito kaya nagawa
niya ang kwentong ito. Kung totoo ito ay malamang sa malamang, lahat ng pinay
na nagbubuntis ay kambal na. Ang panganganak ng kambal ay maipapaliwanag sa
siyentipikong paraan at hindi sa mala-alamat ng saging na paraan.
Papahiran daw ng
laway ang bata ng taong nakabati dito para iwas ‘usog’
-Isa lamang itong imbentong paniniwala. Kadalasan ang bata
ay natural na umiiyak kapag may nakakasalamuhang bagong amoy, hitsura at ingay
ng tao. Minsan ay nagkakataon lang na masama ang pakiramdam ng bata noong
mabati ito ng kakilala.
Para mawala ang sinok
ng bata, lagyan ng sinulid sa noo
–wala itong siyentipikong basehan. Maaari lamang na
napupunta ang atensiyon ng bata sa sinulid na nakalaylay sa kanyang noo
kaya naiiba ang paghinga at pwesto dahil sa pilit na pag-abot nito.
Kapag nadulas daw ang
nanay habang nagbubuntis na una ang puwit, ay bingot ang magiging anak
-Ang pagkabingot ay namamana sa angkan. Pangsisisi lamang
ito ng mga tao sa kapabayaan ng magulang at hindi pag-iingat sa pagdadalang
tao.
Pakainin ng puwet ng
manok ang bata para mabilis makapag-salita
-Ang kakayahan ng bata ay nakadepende sa talino, sustansya
at taong nakapaligid dito. Siguro ay aksidenteng napakain si Gloc-9 noong bata
pa kaya naimbento ang kwentong ito. Isa itong malaking imbento ng mga
matatanda. Baka kailangan din nilang pakainin ng paa ng manok ang bata para
mabilis ding makalakad.
Kapag natinik sa
pagkain ng isda, magpahilot sa lalamunan sa kakilalang taong suhi
-Mawawala daw ang tinik pag nagpahilot ka ng lalamunan sa
kanila. Ang ‘suhi’ ay ang mga taong unang lumabas ang paa sa panganganak imbis
na ulo muna. Isa lamang itong pagbibigay ng espesyal na pagturing sa mga taong
suhi. Tila may hiwaga daw ang mga taong pinanganak na una ang paa. Ginawa
lamang ito para ipagkalat na pinangak niya ang anak niya na una ang paa upang
maging sikat siya at pag-usapan sa kanilang lugar.
“Uy, natinik yung anak ko! Pahilot nga sa lalamunan!”
“Sige”
Nachambahang natanggal
“Uy! Thank you ha! You’re a hero in disguise! Ang laki ng
utang na loob ko sayo! O, iuwi mo itong isang kilo ng bayabas!”
“Thank you po.”
Mas epektib pa ang pagpapalunok ng kanin o kaya ng malaking
parte ng saging kapag natinik.
Wag mag-outing bago
ang graduation
Karamihan pinagbabawalan ng mga magulang na pasamahin ang
anak nila bago at pagkatapos ng graduation dahil takaw aksidente daw. May
nalulunod, nababangga ang sasakyan at iba pang malalang aksidente.
Takot silang gumala ka bago ang graduation dahil
ang pera nila na panghanda sa inyong magiging bisita ay mababawasan kapag
pumunta ka sa Boracay dahil tiyak na manghihingi ka. Magastos ang paggraduate.
Takot silang sumama ka sa outing pagkatapos ng graduation
dahil bukod sa galing kayo sa malaking gastusin, ikaw ang inaasahan nila na
mag-aahon sa kanila sa kahirapan at takot silang maaksidente ka dahil pag
nawala ka, mawawalan ng kabuluhan ang kanilang pagpapaaral sayo. Ang pag-asa
nilang inatang sayo ay mawawala kapag namatay ka.
Kaya intindihin niyo ang magulang ninyo. Hindi sila
naghihigpit dahil naniniwala sila na may nangunguhanh diwata sa ilog kundi mas
tumaas lang ang kanilang pagpapahalaga sa iyo.
Pag nagkaroon ka ng
sugat sa mahal na araw, hindi ka gagaling
Habang buhay daw na hindi gagaling ang iyong sugat kapag
nagkasugat ka sa mahal na araw. Maliwanag na hindi ito totoo dahil yung mga
nagpepenitensya ay gumagaling naman. Minsan nga lang yung mga nagpepenitensya
ay nagkakapalitan ng dugo dahil walang tigil sa pagtalsik ang mga dugo. At
kapag nahawa sila sa may AIDS at iba pang sakit, hindi na maaaring gumaling pa.
Sanggunian:
Metaporista. July 8, 2010. Linaw at Paliwanag Sa Mga
Kasabihan at Pamahiin ng Matatanda. Retrieved from https://metaporista.com/2010/07/08/linaw-at-paliwanag-sa-mga-kasabihan-ng-matatanda
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento