Alamat ng Pamaypay
Panitikan ng Thailand
Sa isang malayong lugar, may mag-asawa, tahimik at
namumuhay. Biniyaan sila ng malulusog na kambal at pinangalanan sila ng Pay at
May. Pinaggigiliwan ng kambal. Ngunit habang sila'y lumalaki, palagi silang
nag-aaway. Ang mag-asawa ay nagkaroon ng problema dahil sa kanila.
Isang araw, dumating ang isang kalamidad. walang ulan. Ang
kanilang lugar ay naging tagtuyot. Ang mga tao ay nagdadasal upang magkaroon ng
malakas na simoy ng hangin at ulan. Ang Bathala ay nagsabi na magkaroon lamang
ng malakas na hangin at ulan kung ang lahat ng tao sa lugar nila ay
magkakasundo. Ngunit ang kambal ay nag-aaway at nag-aaway parin dahil sa inggit
nila sa isa't isa, makasarili sila at ito ang isa sa mga pinaka ayaw ng
Bathala.Sabi ng Bathala sa kanilang dalawa, "kapag hindi pa kayo
nagkakabati pagkatapos ng tatlong
parusa, mamamatay agad kayo hindi dahil sa init kundi sa mga kasalanan
ninyo." Pero hindi naniwala ang mga kambal sa Bathala. Patuloy parin
silang nag aaway.
Gabi na nang matapos ang kanilang pag-aaway. Natulog na
silang dalawa pagkatapos ng ritwal nila ng gabi. kinaumagahan, dumating na ang
kanilang unang parusa. Nang dumatig ang kanilang unang parusa ay sobrang
nagulat ang kambal dahil ang kanilang buhok ay nawala. Kalbo na ang mag kambal.
dahil sa kanilang sitwasyon ngayon, muling nag-away nanaman ang dalawang bata.
Nag-aaway dahil sa suklay. Ang bunga ng kanilang pag- aaway ay ang kanilang
pangalawang parusa. Ang kanilang pangalawang parusa ay nagiging butiki ng gabi
si Pay at nagiging baboy naman si May ng umaga. Naging kalahating-tao at
kalahating-hayop na silang dalawa.
Nang nalaman ng kanilang ina ang sitwasyon ng kanyang mga
anak na kambal ay umiyak siya. Pumunta pa sila sa mga ospital, ngunit walang gamot
para gumaling at mailagay sa normal na
pamumuhay ang kanyang mga anak. Nang makarating na sila sa bahay nila,
nagsalita ang ina, "Alam niyo mga anak, kung matagal na kayong nagkabati,
sana hindi nangyari ito."Pangatlong parusa. Patuloy ang pag-aaway ng
kambal dahil sa hindi na talaga titigil. kinausap sila ng Bathala, "Gusto
ko sana kayong tulungan, kaya bibigyan ko kayo ng isa pang pagkakataon. Mag-isip isip kayo ng isang
bagay na ipaglaban sa init."
Nakapagisip-isip ang kambal at nagtulungan. Kumuha sila ng
maraming kawayan at hinati nila ito ng pahaba at ginawang manipis. Pagkatapos,
pinagdugtong-dugtong nila ang mga ito at tinawag na "Pamaypay" galing
sa mga pangalan nila 'Pay' at 'May'. At ito na rin ang naging paraan para magkabati ang magkambal. At mula
noon, natanggal na ang kanilang sumpa na dumating sa kanilang buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento