Huwebes, Hunyo 29, 2017

Alamat ng Ilog Pasig

Alamat ng Ilog Pasig


Noong unang panahon, may mag-asawang naninirahan sa may tabi ng ilog. Nabiyayaan sila ng isang anak na babae.

Tahimik at hindi palakibo ang bata. Paz ang pangalasn nito. Dahil malayo sa paaralan ang kanilang lugar ay hindi na nakapag-aralsi Paz. Gayunman ay hindi ito naging sagwil; upang lumabas an g katalinuhan ni Paz. Mahilig magbasa ng mga aklat si Paz at ang mga magulang ang naging guro niya.

Lumaking isang magandang dalaga si Paz. Maraming lalaki ang nangiming manligaw sa kanya. Isa na rito si Serafin, isang Kastilang binata. Hangang ligaw-tinginlang ang lalaki.

Isang hapon, nagtatampisaw si Paz sa tabing ilog ng isang lalaki ang naglakas loob na magpakilala sa kanya.

Magandang hapon.magandang binibini. Nais ko sanang makipagkilala sa iyo. Ako si Gerry, isang taga-maynila," pagpapakilalang lalaki.

"Bakit naman hindi?" ang sagot ni Paz." Ako nga pala si Paz. Mutya ng Ilog ang tawag nila sa akin dito."

Dahil likas na masayahin at palabiro ang binata ay mabilis silang nagkasundo at nagkapalagayan ng loob. Ipinakilala ni Paz ang binata sa mga magulang at agadf namang humanga ang mga ito sa binata.

Minsan ay naisipang mamangka ng magkasintahan. Lingid sa kanilang kaalaman ay naroon ang nagmamasid na si Serafin. sumunod ito sa kanila.

Matindi ang selos ng binatang Kastila kay Gerry. Napilitan itong sumakay rin ng bangka para masundan ang magkasintahan.

Hindi marunong sumagwan ng bangka si Serafin kaya nagpagewang-gewang ang bangka nito. Tuluyang tumaob ang bangka ng binata at nahulog ang lalaki sa tubig.Binalot ng takot si Serafin. Paano ay hindi rin siya marunong lumangoy. Ngsisigaw ang binatang Kastila na humihingi ng tulong sa magkatipan.

May kalayuan na ang bangka nina Paz at Gerry kaya hindi agad natulungan si Serafin. Huli na ang lahat bago pa ito malapitan ni Gerry.

"Paz sigue me! Paz si..." ang huling salitang namutawi sa mga labi ng Kastila.

Naapektuhan si Paz nang nangyari. Naging malungkutin siya. Madalas niyang naalala ang binatang Kastila na nalunod habang sinasambitr ang kanyang pangalan. Bilang pag-aalala sa nalunod na binata,ang ilog ay pinangalanan nilang Pasig,at si Paz ang tinaguriang Mutya ng Pasig.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento