Huwebes, Hunyo 30, 2016

Talumpati Para Sa Edukasyon

Talumpati Para Sa Edukasyon
Farah Grace Jimena


Edukasyon ay di mananakaw ninuman,  kultura ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng mga kabataan.

Mahal kong mga tagapakinig naririto na naman po tayo sa isang pagtitipon kung saan an gating pag- uusapan ang mga aspekto na makapagpapalakas sa mga kabataang tulad ko. Mga kabataang magiging susi upang umunlad ang ating Lupang Sinilangan. Mga kabataang makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan mula sa madilim na nakaraan. Na magiging daan sa pagbabagong ating inaasam.

Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag- unlad ng agham sa ating lipunan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong bagay. Katulad ng cellphone at computer. Mga makabagong bagay na makagpapadali n gating pamumuhay…lalung lalo na ng mga kabataan.

Kahit saang dako ka man ngayon tumingin,marami ng mga internet cafĂ© ang nagkalat. Iba’t ibang model na rin ng cellphone ang lumalabas. At hindi maikakaila na halos lahat tayong mga nag- aaral sa pribadong paaralan ay umaangkin ng mga bagay na ito. Ngunit, ito  ba ay ginagamit natin sa tamang paraan?

Mga kaibigan, ang computer ay malaking tulong sa ating mga mag- aaral. Katulad sa mga pananaliksik…hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para kumuha ng mga kakarampot na datos sa bawat aklat. Punta ka lang ng yahoo..encode mo lang ang topikong hinahanap mo…mag-antay ka lang ng ilang segundo..binggo na .. makikita mo na ang hinahanap mo.  

Nariyan din ang cellphone na makapagpapadali ng ugnayan natin. Magagamit sa mga panahon ng kagipitan. Hindi mo na kailangan pang mag- antay ng ilang buwan maipadala at tumanggap ng sulat. Sapagkat sa isang text lang, minuto lang aantayin mo..tanggap kaagad.

Ngunit sadyang namamali ang ilang mga kabataan sa paggamit ng mga teknolohiyang makabago. Sa halip na sa pagpapaunlad ng karunungan ito gagamitin, ginagamit nila ito sa walang kuwentang bagay. Sa halip na magresearch para sa assignment…DOTA, counterstrike, YM at facebook ang inaatupag. Mayroon din diyan na pakikipagtextmate ang pinagkakaabalahan. Nagpupuyat tuwing gabi. Nanlalalim ang mga mata sa kinaumagahan…ang siste nakikipagtextmate sa kung kanino na lamang. Pagdating sa klase..bagsak si nene, inaantok, walang assignment. Pagkatapos magpapadala sa mga magagandang quotes, mag- a-eyeball, magkakarelasyon, mabubuntis, mawawala sa huwisyo ang kinabukasan, malulugmok sa  putikan. Ito ang paraan ng paggamit ng mga kabataan sa mga makabagong teknolohiya.tsk tsk tsk…hindi ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman? Ito ang natatanging sandata na maipagsasanggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Kapag edukado ang isang tao nagagawa nitong maitama ang mga maling paniniwala na bunga ng kahunghangan. Naisasalba ang isang tao sa lupit ng kahirapan.

Bumaling naman tayo sa ating banal na kultura. Ito ay ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian. Ito ang makinang na kasaysayan ng ating mga ninuno. Alam ba ninyo na sa buong mundo, Pilipino ang tinitingala ng mga dayuhan pagdating sa kulturang kinamulatan? Kung kaya’t maraming mga dayuhang ang piniling mag- asawa ng isnag Pilipino nang dahil sa ating kultura. Sapagkat tayong mga Pilipino ay kilala bilang matulungin, mapagkumbaba, masunurin, at magalang na lipi. At ito dapat ang magiging katangian ng ating mga  kabataan. Sa kadahilanang kung taglay ng mga kabataan ang mga ganitong uri ng mga katangian ay mapapadali ang ating pag- unlad. Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama. Makakamtan ang paggalang sa bawat kapwa.

Ang Kultura natin ay maipapakita rin sa mga palakasan. Dahil ito ang isang makinang na daan sa pakikipagkaibigan. Ditto nalilinang ang mga kakayahan na sangkatauhan.  Nahahasa rin ditto ang tiyaga ng mga kabataan s apagkamit ng tagumpay. Kung ang bawat kabataan ay mapapabilang sa isang legal na palakasan, mapapalayo sila sa bisyo. Bagkus, mararagdagan pa ang mga kaalaman at kakayahan nito sa pagsunod sa agos ng buhay. Hindi lamang pisikal na kakayahan ang mahahasa kundi pati na rin ang emosyonal at intelektwal. Sa mga palakasan nagsisimula ang isang magandang pagsasamahan.

Kayat mahal kong mga tagapakinig…lalung lalo na sa mga kabataang tulad ko, huwag nating antaying mawala ang lahat ng mga pagkakataon para sa ikauunlad natin. Sama sama nating yakapin at tanggapin ang mga aspektong makapagbibigay sa atin ng lakas na makakatulong sa ating ikauunlad. Nasa ating kamay ang pag-unlad na inaantay ating bayan. Sapagkat tayo ang tinaguriang pag- asa ng bayan.



Mga Sanggunian:

Farah Grace Jimena. February  1, 2011. Edukasyon. Retrieved from
http://farahgracejimena.blogspot.com/2011/02/edukasyon-talumpati.html

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento