Martes, Mayo 21, 2013

Daluyong


ni Lazaro Francisco


I. Ang May Akda
Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay pang-apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara Angles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija. Siya ngayon ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Makikita sa kanyang mga nobela na pinayaman niya ang panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kanyang pambihirang kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino.

Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway. Iginawad sa kanya ang mga karangalang ”Patnubay ng Lahi” ng Maynila. ”Dangal ng Lahi” ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang ”Republic Cultural Heritage Award” sa Panitikan.

II. Mga Tauhan

LINO - dating bangkero ng isang asyenda, na nabigyan ng pagkakataong magmay-ari ng sambanos na lupa sa tulong ni Padre Amando Echevarnia
PADRE AMANDO - nagpanukala upang mawala ang tenancy system. Tumulong kay Lino at sa anak nito.
MS. LORETO SANCHEZ - pamangkin ni Padre Amando at punung-guro sa eskwelahan sa Pinyahan. Kumupkop kay Ernesto
ERNESTO - anak ni Lino sa pagkabinata
BIDONG - katiwala ni Lino sa kanyang bukid at kasintahan ni Huli
HULI - anak ni ALing Barang at Mang Abeng at kasintahan ni Bidong
ALBINO - katiwala ni Don Tito sa kanyang bakahan at matalik na kaibigan ni Lino
DON TITO - isa sa mga gahamang asyendero tumututol sa pagkabuwag ng tenancy system
DR. BENIGNO (BENEG) SITYAR - anak ni Don Tito na tumatakbo sa pagkagobernador
DIDANG - babaing taga-maynila na napadpad sa Maruhat at kasintahan ni Lino
ALING HUWANA - balong babae na kumupkop kay Didang
ALING BARANG - ina ni Huli
ALING BASILIA - ina ni Ms. Sanchez at kapatid ni Padre Amando
ATTY. MARCELO LIGON - abugado ni Padre Amando
SALINA, MINA, AT BEBA - mga kaibigan ni Ms. Sanchez

III. Buod

Nang umagang iyon ng Mayo 21, 1955 habang nakaupo sa isang kareta sa ilalim ng punong kawayan ay pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, bukid na hinuhulugan niya taun-taon. Balo na siya at naisip na ipamana niya ito sa kanyang anak na si Ernesto. Batid niya na napakalaki ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya (Padre Amando, Ms. Sachez at Koronel Roda). Naisip niya na anyong siya ay nakabayad tulungan si Koronel Roda na paibigin si Ms. Sachez kahit batid niyang huli ay may pagtingin sa kanya.
            
Malapit sa bukid ni Lino ang bahay nina Huli, mayuming dalaga na nililigawan ni Bidong. Ayaw ng mga magulang nito sa huli sa kadahilanang ito ay mahirap at sa masamang pagkakakilala rito.
            
Samantala, si Padre Amamdo ay pinangunahan ang pagbuwag sa sistema ng pakikisama sa sakahan o tenancy system. Maraming mga negosyate ang tumutol ditto at isa na rito si Don Tito.
           
Isang umagang patungo siya sa bahay ni Ms. Sachez ay kanyang nasalubong ang kanyang kaibigan si Albino, na katiwala ni Don Tito sa bakahan. Sinabi ni Albino na nais ni Don Tito na gawin siyang katiwala ng kanyang asyenda. Maruhat at pinuno ng mga bodyguard ni Dr. Benigo Sityar, na anak nito. Tinutulan ito ni Lino dahil sa nalaman niyang isa si Don Tito sa mga tumututol sa mga balak ni Padre Amando.
            
Sa kanyang pagdadalaw-dalaw sa anak na si Ernesto ay kanyang nahalata na may pagtingin din it okay Ms. Sachez. Naisip niya na limutin na lamang ang pag-ibig niya rito dahil sa alangan siya rito. Humanap siya ng ibang mapag-uukulan at ito ay kanyang natamo kay Didang isang dayo sa Maruhat. Sa mismong araw ng kaarawan ni Ms. Sachez, natamo ni Lino ang kasagutan ni Didang.
            
Pagkatapos nito, ay dumalas ang dalaw ni Lino rito. At sa bawat pagdalaw ng una ay unti-unti naming naipagtatapat ang kanyang nakaraan. Tinanggap naman ito ni Lino ngunit ang babae na rin ang nagsabing binibigyan niya ito ng hanggang Agosto 20 upang magbago ito ng pasya.
            
Samantala, parang nagpipiyesta ang mga tao sa pnyahan nang palagdain sila ni Padre Amando sa kasunduan sa Pamumuwisan na simula ng pagbuwag ng tenancy system. Ang bagay na ito ay lubos na nakaligalig kay Don Tito.
            
Sa minsang pagdalaw ni Lin okay Didang ay iniwanan niya si Bidong ng baril at sinabing maging handa. Pagbalik niya ay hindi niya ito dinatnan dahil ito pala ay nangharang ng bus ang nakuhang salapi ay ipinamigay sa mga dukha ng Maruhat. Hinangad ni Lino na ito ay pagtakpan.
            
Sa kabilang dako, sa hangad na mapaglubag ang loob ni Don Tito at ang anak nito ay ibinigay niya si Bidong bilang kapalit nbiya sa pagiging bodyguard. Nalalapit na noon ang Linggo ng Wika at naghahanda ng palatuntunan si Ms. Sachez. Pinadalhan ni Ms. Sanchez ng paanyayahan si Lino sapagkat mananalumpati ang kanyang anak na si Ernesto. Ngunit nakatanggap ito ng balita sa kanyang kaibigang si Albino na nanganganib ang buhay ni Bidong.
            
Hindi nakadalo si Lino sa palatuntunan. Sa halip hinanap niya si Bidong na tumakas sa asyenda ni Don Tito. At nakita buya ang pagtugis at pagpatay rito. Ang bangkay ni Bidong ay dinala ni Lino sa simbahan at pinagpayuhan siya ni Padre Amando na huwag maghiganti.
            
Pagkatapos ng libing ni Bidong ay umuwi si Lino kasama si Albino sa kanyang bukid. At Kanilang nakita ang panununog na ginawa ng di kilalang mga tao. Kanilang tinugis ang mga ito.
           
Samantala, dahil sa pagpunta ni Lino sa usapan nila at nagp[asya si Didang na lumisan na lamang. Nang malaman ito ni Lino, ito ay kanyang sinundan ngunit hindi niya ito nakita.
            
Si Ms. Sanchez naman ay palubha ng palubha dahil sa hindi niya pagkita kay Lino. Dahil ditto, hiniling ni Padre Amando na hanapin si Lino at bago mamatay si Ms. Sachez ay kanyang nasilayan si Lino.

IV. Pagsusuri

Istruktura

Sunud-sunod ang paglalahad ng pangyayari sa nobelang daluyong. Madaling mahuli ng mga mambabasa ang magiging wakes ng kuwento. Nagiging mabilis ang daloy ng mga pangyayari sapagkat hindi masyadong masalimuot ang paglalahad. Ang bawat tauhan ay nakapagpaliwanag ng kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng kanilang mga binanggit na pahayag sa nobela. Nailarawan din ang mahahalagang tagpo o eksena sa tamang lokasyon o tagpuan.

V. Teorya

Realismo
pinakita ang pagiging makatotohanang paglalahad at pahlalarawan ng mga bagay, tao at lipunan. Halimbawa ay ang paninilbihan sa mga mayayaman ng isang mahirap na tao.

Klasismo
sa nobela, mas ginamit ni Lino ang kanyang isipan kaysa sa damdamin ng kanyang pinasyang iwasan si Ms. Sachez dahil sa naisip niyang alangan siya dito.

Simbolismo
  • Gumamit ang may akda ng mga simbolismo tulad ng daluyong o malaking alon para magbigay katanungan sa mambabasa kung paano magkakaugnay ang isang daluyong na ginamit bilang pamagat ng nobela sa kwento ng nobela
  • Pinapakita ng isang daluyong ang isang patuloy na pag agos ng alon sa buhay ng isang tao. Hindi kailanman humihinto o tumitigil ang pag alon nito, minsa’y mapanganib minsa’y hindi, minsa’y mahina at minsa’y napakalakas

 VI. Tayutay

Pagtutulad/Simili
  • “Ang kanyang mga ngiti ay tulad ng isang makinang na bituin sa isang malalim na gabi” – Lino -
  • “Animo’y bulkang pumutok sa galit si Lino ng kanyang nalaman ang pagpatay sa kanyang matalik na kaibigan na si Bidong ng siya’y tumakas sa asyenda ni Don Tito” - Padre Amando -

Pagwawangis/Metapor
  • ”Pulot sa tamis ang pananalita ng aking irog” – Didang -
  • “Ang mga payo ni Padre Amando ay siyang tulay sa aking maliwanag na isipan” Lino-

Personipikesyon
  • “Ang buwan ang magiging saksi sa ating pagsusumpaan at pag-iibigan” – Bidong -

 Pagmamalabis
  • “Pumuti na lahat ng buhok ko sa pamomnobrema sa batang iyan!” - Aling Barang -

 VII. Idyoma

Namanhid ang buong katawan ni Lino sa nalamang niya sa kanyang matalik na kaibigan
Dadaan ka sa butas ng karayom kung patuloy mo siyang mamahalin
Hugas kamay si Don Tito sa pagpatay kay Bidong
Wala kang kaluluwa Don Tito!
Tuloy-tuloy na ang pagbaha ng dugo
Hindi malikot ang kamay ko! Ginamit ko ang ninakawa ko para sa mga mahihirap

VIII. Mga Bisa

Bisa Sa Isip
Maraming bagay ang naging bago sa aking isipan o mga nalalaman ko na ngunit hindi ko pa maintindihan. Sa ating lipunan ngayon ay talamak na ang paninilbihan ng mga mahihirap sa mga mayayaman, ito ay dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito naman ay sinasamantala ng mga ganid na tao. Sa nobela ay ipinakita ang mga kapalaluang ginawa ng mga asyendero sa mga magsasaka na kung ating iisipin ay hindi nila dapat gawin sa mga taong tumutulong upang maging maunlad ang kanilang asyenda. Bagkus, dapat pa nilang turuan at tulungan ang mga ito Hindi tamang sabihin o gawin na para makabayad ng utang na loob ay kailangan mong magsakripisyo ng iyong sarili o damdamin. Sa kalagayan ni Lino, kanyang isinasantabi ang kanyang naramdaman para lamang pagbigyan si Koronel Roda.

Bisa Sa Damdamin
Ang naiwang bisa sa damdamin ko bilang isang mambabasa ay halu-halong damdamin mula sa umpisa ng kwento hanggang sa wakas nito, at mula sa mga tauhang nagsiganap sa nobelang ito. Paghanga kay Padre Amando sa kanyang pinakitang kabaitang loob na pagtulong sa mga magsasaka, pagkainis kay Lino sa kanyang pagpili ng kanyang isipan kaysa sa kanyang nadaramang pagmamahal kay Ms. Sachez, pagkagalit kay  Don Tito dahil sa pagkagahaman nito at kasamaang loob nito at malungkot sa nangyaring pagmamahal ni Ms. Sachez kay Lino.

Bisa Sa Kaasalan
Tunay ngang ang nobelang ito ay may magandang maituturo sa lahat ng tao. Dahil pagnabasa at naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na nais ipahatid ng aklat at ang tunay na nais ipahatid ng aklat at ang tunay na diwa nito. Dahil dito malalaman natin ang samotsaring mga problema na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa atin kong paano ito lulusutan. Ang problema ay hinaharap at hindi tinatakbuhan. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Hindi hadlang ang kahirapan para maiahon ang sarili sa kahirapan.

IX. Kongklusyon

Sa ating lipunan ngayon ay talamak na ang paninilbihan ng mga mahihirap sa mga mayayaman, ito ay dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito naman ay sinasamantala ng mga ganid na tao

Sa nobela ay ipinakita ang mga kapalaluang ginawa ng mga asyendero sa mga magsasaka na kung ating iisipin ay hindi nila dapat gawin sa mga taong tumutulong upang maging maunlad ang kanilang asyenda. Bagkus, dapat pa nilang turuan at tulungan ang mga ito

Hindi tamang sabihin o gawin na para makabayad ng utang na loob ay kailangan mong magsakripisyo ng iyong sarili o damdamin. Sa kalagayan ni Lino, kanyang isinasantabi ang kanyang naramdaman para lamang pagbigyan si Koronel Roda.

X. Reaksyon
      
Gustong-gusto ko ang kuwento dahil ito ay napapanahon at mukhang makatotohanan ang mga kuwento niya. Hindi ko makalimutan ang mga pangyayari dahil inuulit ng may-akda ang ilang tagpo nang sa gayo’y ang ilang pangyayaring maaaring malimutan o makaligtaan ay maaalala pa rin ng mga mambabasa at ito rin ang nagustuhan ko sa nobela.

Karapat-dapat itong irekomenda dahil mayroon itong magandang maituturo sa lahat ng tao. Dahil pagnabasa at naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na nais ipahatid ng aklat at ang tunay na diwa nito. Ako ay maraming natutunan sa aking pagbabasa dahil sa aking pagsusuri.

Mapapaunlad ko ang aklat na ito sa pamamagitan ng panghihikayat sa aking mga kaibigan, kaklase, magulang, kapamilya, at sa mga kaibigan ng king mga kapamilya at magulang na basahin ang nobelang ito. Kaya nais kong ipamahagi ito sa lahat ng sa gayo’y maintindihan nila ang nais ipahatid nito sa lipunan, Sa mga may kapangyarihan at sa mga taong naaapi. Ipapahiram ko rin itong aklat na ito sa mga taong nais magbasa nito.

Napakabuti ng aklat na ito sa ating lahat. Dahil dito malalaman natin ang samotsaring mga problema na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa atin kong paano ito lulusutan. Ang problema ay hinaharap at hindi tinatakbuhan. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Hindi hadlang ang kahirapan para maiahon ang sarili sa kahirapan. Ang pag-ibig ang nag-uugnay sa dalawang taong nagmamahalan. “Walang lihim na hindi nabubunyag.” “Habang may Buhay ay may Pag-asa”.





Mga Sanggunian:


jrpasamanero03. Mayo 21, 2011. Daluyong. Retrieved from





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento