Luha Ng Buwaya
ni Amado V. Hernandez
I. Introduksyon
Ang Luha ng Buwaya ay nobelang katha ng isang Pambansang Alagad ng Sining o National Artist (sa kategoryang Literatura) ng Pilipinas na si Amado V. Hernandez. Ang kwento ay umiikot sa pang-aapi ng isang mayamang pamilya sa mga maralitang mamamayan ng isang bayan sa probinsya, at kung papaano nakaisa’t nagsama-sama ang mga nasabing mahihirap upang lumaban at malutas ang kanilang mga problema.
Isinulat ni Hernandez ang Luha ng Buwaya habang siya’y nasa bilanguan (sa pagitan ng taong 1951 hanggang 1956), at ito’y unang nalimbang noong 1962 ng Ateneo de Manila University Press. Ang aklat ay may limampu’t talong kabanata at 334 na pahina.
II. Tungkol sa Manunulat
Si Amado Vera Hernandez ay ipinanganak noong ika-13 ng Setyembre 1903 sa bayan ng Hagonoy sa Bulacan. Isa siyang tanyag na makata, manunulat at pinuno’t aktibista para sa mga manggagawa.
Nagsimula siyang magsulat para sa mga pahayagan noong siya’y binatilyo pa lamang. Ilan sa mga pahayagan kung saan siya’y naging peryodista ay ang Watawat, Pagkakaisa, at Mabuhay. Ang kanyang mga akda any nakuha ang pansin ng tao at nasama ang ilang niyang mga kwento’t tula sa mga antolohiyang kagaya ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, naging kasapi si Hernandez ng samahang Aklatang Bayan, kung saa’y kabilang din sina Jose Corazon de Jesus at Lope K. Santos. Siya’y labinsiyam na taong gulang pa lamang noon.
Ikinasal si Hernandez kay Honarata “Atang” de la Rama noong 1932. Si Ginang de la Rama ay isa ring Pambasang Alagad ng Sining, sa kategoryang Teatro, Sayaw at Musika.
Nang sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas noong taong 1941, sumali si Hernandez sa kilusang guerilla, kung saan siya nagsilbi bilang intelligence officer. Dito’y nakilala niya ang mga miyembro ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap. Sinasabi na sa pagtatagpong ito nagkaroon ng simpatya si Hernandez para sa Komunismo o Communism.
Matapos ang digmaan ay tinalaga siya ni Pangulong Sergio Osmeña bilang konsehal ng Maynila. Siya rin ay naging pangulo ng dati’y Philippine Newspaper Guild. Ngunit ang talaga niyang mahalagang gawain ay ang pag-organisa ng mga unyon para sa mga manggagawa. Si Hernandez ay dinakip noong taong 1950 sa salang siya raw umano’y isang lider ng mga rebelyong namumuo sa Luzon . Sa kulungan niya isinulat ang kayang mga tanyag na nobelang Ibong Mandaragit at Luha ng Buwaya. Matapos ng limang taong pagkakakulong ay siya’y hinayaang magbayad ng piyansa, at di kalaunan ay napawalang-sala sa mga kasong kanyang hinaharap.
Si Hernandez ay nagpatuloy magsulat at magturo hanggang sa kanyang kamatayan noong ika-24 ng Marso, taong 1970.
III. Buod
Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila’y lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa.
Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay ‘Tambakan’ o ‘Bagong Nayon’ at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano . Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila’y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.
Bandong Cruz – Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal o punong- guro ng isang paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isang magsasaka at maagang naulila, kaya’t siya’y kinupkop ng kanyang tiya. Siya ay matuwid, matulungin, responsable, at mapagkakatiwalaan kaya’t palagay sa kanya ang mga mahihirap at ordinaryong tao sa Sampilong.
Don Severo at Doña Leona Grande – Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sa kanilang mga trabahador at sa mga nangungupahan sa kanilang mga lupain. Mayroon silang dalawang anak na nagngangalang Jun at Ninet. Madalas silang magsimba ngunit sila’y lubhang sakim at gahaman. Maaaring mahalintulad sa matakawa na buwaya.
Dislaw – Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at kinamumuhian ng mga magsasaka. Siya ang karibal ni Bandong sa magandang dalagang si Pina. Palagi siyang may dala-dalang rebolber nab aril saan man magpunta.
Pina – Ang dalagang iniibig pareho nina Bandong at Dislaw. Siya ay anak ni Mang Pablo at Aling Sabel. May kapatid siyang lalaki na nagngangalang Dinong. Tinaka siyang gahasain ni Dislaw pagkat di niya ito makuha sa santong dasalan.
Andres – Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim na pagkatao. Pinagbintangan siyang magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya. Siya ang asawa ni Sedes at mayroon silang apat na anak. Lingid sa kaalaman ng iba na siya pala ang tagapagmana ng malaking lupain ni Kabesang Resong, isang mayaman ngunit mabuting kabesa noon.
Tasyo – Siya ang hinirang na pinuno ng unyon. Madalas siyang makipag-away sa mga Grande at kay Dislaw dahil nais niyang protektahan at ipaglaban ang kanilang karapatan at mabigyan ng hustisya ang mga pang-aabuso sa kanilang mga mahihirap.
V. Pagsusuri sa Luha ng Buwaya
Sadyang nakapanghihimok ng damdamin ang kwentong isinasalaysay ng Luha ng Buwaya dahil ito ay tungkol sa masaklap na kalagayan ng mga mahihirap na magsasaka at mga iskwater matapos ang panahon ng pananatili at pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Pinapakita ng nobela ang tunggalian ng mga mapang-abusong mayayaman na nagmamay-ari ng mga malawak na lupain (maaari ring tawagin na mga haciendero) at ng mga inaaping magsasaka at manggagawa na walang magawa sa kanilang kundisyon at kalagayan sa buhay. Ang kwento ng Luha ng Buwaya ay hindi lang basta kathang-isip o gawa-gawa lamang, kundi totoong nangyayari hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Matinding damdamin ang mahihimok mula mambabasa dahil alam nitong totoo ang mga problemang tinatalakay sa kwento at makikita ito sa sitwasyon ng ating lipunan, hindi lamang sa mga panahon ng pagkakasulat at “timeframe” ng kwento kundi pati na rin sa kasalukuyang panahon. Makikita sa nobela ang impluwensya ng pagiging “labor leader” ni Amado V. Hernandez. Tila nagamit niya rin ang kanyang karanasan bilang batikang peryodista upang makasulata ng mga makatotohanang pangyayari.
Mapapaisip ang mambabasa ng nobelang ito kung bakit ito pinangalanang “Luha ng Buwaya” ni Hernandez. Ang mabangis na hayop na buwaya ay talagang lumuluha, ngunit hindi dahil sila’y malungkot. Ayon sa isang lumang anekdota, ang buwaya ay lumuluha upang maakit ang kanilang biktima. Isa pang sinasabing dahilan ayon sa mga lumang kwento ay umiiyak ang buwaya para sa mga kaawa-awang biktima na kanilang kinakain. Ang “mga luha ng buwaya” ay mga huwad at mapanlinlang na luha. Para sa kwento ng nobela, mas magagamit nating basehan ang ginagawang panlilinlang ng buwaya upang makaakit ng biktima. Makikita na ang pag-iyak na ito ay mahahalintulad sa huwad at mapagbalat-kayong asal ng mag-asawang Grande, na pala-simba at banal kung umasal ngunit sa totoo’y unti-unting sinasakal at pinahihirapan ang mga mahihirap na nakatira sa kanilang pook para sa katuparan ng sarili nilang interes. Ang dalawang anak ng mga Grande ay sige alng ng sige sa paglustay ng pera na ang mga mahihirap na magsasaka ang naghirap kaya’t matatawag din silang mga buwaya. Bukod sa pagiging mapagbalatkayo at matakaw, ang buwaya ay kilala rin sa pagiging sakim at gahaman -- mga katangian ng mga mapang-abusong may-ari ng lupa. Matapos mabasa ang nobela ay tiyak na maiintindihan ng mambabasa ang pinagmulan ng pamagat nito.
Si Amado V. Hernandez ay kilalang sumusuporta sa kilusang Komunismo, at makikita ito sa kanyang nobela. Maraming idelohiya ng kilalang ama ng Komunisma na si Karl Marx ang naging mahahalagang elemento ng Luha ng Buwaya, gaya ng pagtayo ng mga unyon para sa pagkakapantay-pantay at upang mapangalagaan ang interest ng mga magsasaka laban sa maga mayayaman may-ari ng lupang kanilang sinasaka.
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinkulang ang info .
TumugonBurahintrue
BurahinDapat mayroon siyang nilagay na di pamilyar na salita mula sa kwento para makatulong sa mga hindi gaano ka pamilyardo sa pag gamit ng salitang Pilipino.
Burahinokey nman pero parang kulng ehhh...
TumugonBurahinokay naman kaso kulang yung characters.
TumugonBurahinbuti nga nakatulang kahit papaano eh, try niyo basahin ng buo yung nobela at kayo gumawa ng Pagsusuri. instead of complaining, magthank you na lang.. :)
TumugonBurahin^_^ be thankful na lang kahit paano may nakuha tayong ideya, kaysa naman wala..
TumugonBurahinmalaking tulong na ito sa mga tao lalo na sa estudyante
TumugonBurahin124
Burahinthank you sa pagbigay ng impormasyon tungkol dito ito ay nakatulong talaga ng marami sa akin thank you
TumugonBurahinmasaya na ako na maymaipapasa na ako sa aking guro
TumugonBurahinok naman ang ganda
TumugonBurahinUhm, Okay naman, Medyo Supot yung nagpost, halatang walang tite. Baka ikaw gumahasa kay Pina.
TumugonBurahinmawalang galang na po, napaka bastos niyo pong tao bakit ka pa po nakapunta sa site na ito para lang ba mang bastos? napaka walang galang niyo po sa naggawa ng site na ito, sana po huwag niyo na pong ulitin ang pagiging bastos sa kapwa niyo po tao, magpasalamat naman po kayo dahil natulungan kayo ng gumawa ng site na ito.
Burahingago pala nagpost eh
TumugonBurahincomplain ng complain, edi kayo nlng magsuri palibahasa copy paste lang ang nalalaman
TumugonBurahinngayon ko lang nabasa ang nobela ang ganda promise.. yung pang wakas nabitin ako parang gusto ko pa ng part2 haha. 3 days bago ko din natapos hahaha worth it naman.
TumugonBurahinAno po ang mensahe ng kwento?
TumugonBurahinThanks 👍
TumugonBurahinano po yung climax?
TumugonBurahinCan i use this as my reference? Thank you po..
TumugonBurahin