Sabado, Pebrero 9, 2013

Kabanata 6

Kabanata 6: Pakikipagtunggali

            Naglabas si Nyora Tenta ng isang malaking bote ng wiski, isang malaking boteng panghalo ng inumin, isang malaking sisidlan ng yealo na hugis-bariles at sinamahan pa ng isang malaking lata ng sitsarong baboy laman ngunit hindi agad nahimok ni Nyora Tentay ang mga ito at binalutan pa niya ito ng tig-isang sigarilyong blue seal. Tinanong ni Nyora Tentay kung bakit kinakailangang ngayon sukatin ang lupa at ang sagot ng mga ito ay dahil masyadong malalaki ang lupain na nasasakop ng Canal De La Reina na dahilan ng pagkawala ng tubig roon at ang pagtakip sa mga lagusan ng tubig. At tumuloy na ang kanyang mga bisita na pinabitbitan pa ng pagkain kang Ingga. Lumabas si Nyora Tentay sa tindahan at natanaw si Lucing at nagalit ditto dahil hindi na binayaran ni Lucing ang hiniram niya kay Nyora Tetay na sa akala ni Lucing ay isang tulong para sa pagpapagamot ng kanyang anak. Ang inaakalang mabuting kalooban sa pagtulong sa kaniyang anak ay isa palang utang na napatungan na ng mataas na tubo.
            Nagulat si Leni sa kanyang nakita na halos naghihingalo na ang pasyente ng ipatawag siya sa Emergency Room ng charity ward. Isang babaeng wala ng kulay ang mga labi, malalim na ang nakalapat na mga mata at namamarak ang namumutlang mga pinsgi. Pilit niyang isinasalba ang babae ngunit hindi na matanggap ng katawan nito ang iniksyon at hindi na rin masalinan pa ng dugo. Kanyang pinirmahan ang papeles at nagulat siyang makitang nakatira ito sa Canal de la Reina.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento