Kabanata 5: Makabago
Tila hindi mawari ni Caridad kung ganoon na nga ba ang henerasyon ngayon at kung ganoon na rin ba ang mga babae ngayon. Hindi siya mapakali hanggang sa nanaog na sila ngunit patuloy pa rin ang pagusisa niya sa babaeng kasama ng barkada ni Junior. Nang makaalis na ang mga bisita ni Junior ay hindi na nakatiis ang kanyang ina at Ate Leni sa pagtatanong tungkol sa babaeng iyon. Naisip din kasi ni Caridad na baka mabuntis ni Junior ang kasama nilang babae. Nagalit din si Caridad dahil hindi man lang marunong gumalang ang kanyang mga kaibigan. Paliwanag naman ni Junior na ang babaeng kanilang tinutukoy ay ang girlfriend ng kanyang kabarkada at hindi din niya type ang ganung klaseng babae. Patuloy pa nito na kanyang pinagmamalaki sa kanyang mga kabarkada na wala silang communication gap pati na ang generation gap. Hinayaan na lamang siya ni Caridad dahil baka maisipan pa nitong gumawa ng di kanaisnais.
Si Nyora Tentay ay galit na galit kay Maring na namomroblema dahil iniwan siya ni Duardo. Nalaman kasi nito na ginagamit lamang siya ni Maring upang makakuha ng pera para sa pagsusugal. Ang natira lamang kay Maring ang relos niyang brelyante na binigay ni Duardo sa kanya. Nasabi na rin niya na hindi na siya mangungupahan dahil gusto niyang ilayo sa lugar na iyon ang kanyang anak. Isinanla niya na ang kanyang relos upang pang bayad sa kanyang utang na upa ng bahay. Habang nag-uusap si Maring at Nyora Tentay, mayroong kotse na pumarada sa harapan ng tindahan ni Nyora Tentay. Lumabas siya ng tindahan dahil siya’y hinahanap ng agrimensor na nagtatrabaho para sa gobyerno. Naparoon sila upang magsukat ng lupa at naghahanap ng mga muhon dahil sa kakulangan ng estero sa kanilang lugar at kinabahan si Nyora Tentay at naalala niya si Caridad Reynante Delos Angeles nang maitanong sa kanya kung ilan tao na siyang nangungupahan sa lupang iyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento