Kabanata 3: Linta
Isang dyip ang tumigil sa harap ng tindahan ni Nyora Tentay. Kinabahan siya dahil simula ng makita niya si Cardidad ay hindi na nawala ang nerbyos sa kanya. Sa kanilang pook, siya ang may pinakamalaking bahay. Siya din ang takbuhan at utangan ng kanyang mga kapitbahay kahit na ang maging tubo ay biente porsyento. Nang bumaba na sa dyip ang isang lalaking mataas ngunit kita ang malaking tiyan ay nawala na ang kanyang bahala. Ito pala ay si Doro. Daladala ni Doro ang kwaderno na nagkakalaman ng listahan ng may mga utang kay Nyora Tentay. Natanong ni Nyora Tentay si Doro kung may malalapitan sila sa husgado kung saka-sakali at naikwento ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles . Kilala pala ni Doro si Caridad, at sinabing siya nga ang anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay na iyon. Muling nanumbalik ang nerbyos ng matanda at sinabing may hawak siyang papel, titulo ng kanilang lupa. Mayroong kilala si Doro sa registry of deeds kaya madali na ‘yon. At sinabing pagbumalik dito ang Reynanteng iyon, pakibanggit na lang ang pangalan ni Doro, anak ng Tonyang Bulutong. Siguradong maaalala ni Caridad si Doro dahil dati lamang silang magkapitbahay. At pagkaalis ni Doro, may naghihintay na babae sa labas kasama ni Asyang. Napansin ni Nyora Tentay na mukhang malaki ang pangangailangan nito. Tinanong kung kukuha ba ang babaeng tinawag ni Asyang na Nenita. May dala ang babae na telebisyon at sinabing may mahigpit siyang kompromiso at iniabot na ang pera sa babae pagkatapos ay umalis. Nang mga sandaling iyon ay hindi na naiisip ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento