Kabanata 2: Alaala
Nakasagutan ni Caridad si Nyora Tentay. Pakilala ni Caridad na siya ang may-ari ng loteng kinatitirikan ng bahay at tindahan niya. Sagot naman ng matanda ay may papel siyang hawak para patunayan na sa kanya ang lupang iyon. Tinanong ni Caridad kung kilala niya si Precioso Santos o Osyong na asawa ni Tisya. Sabi ni Nyora Tentay na kay Osyong niya binili ang lupa. Idinagdag pa niya, na walang nabanggit si Osyong na mayroong ibang nagmamayari ng loteng kinatatayuan ng kanilang bahay. Lumapit sa kanya si Junior at hinawakan ang bisig nito. Nag-init ang ulo ni Caridad ngunit, namulatan siya at sinabing babalikan na lamang ulit siya. Pagkaalis ni Caridad, umapoy din sa galit si Nyora Tentay at nagbantang magkakahalo ang balat sa tinalupan. Nagbalik muli sa alaala ni Caridad ang kanilang nasunog na bahay. Ang bahay nilang pawid at kawayan na barnisado sa tabi ng isang malaking punong kamatsile, sa gilid ng makitid at malinis na Canal de la Reina. Hindi rin niya makakalimutan ang paggawa niya ng bangkang papel kasama ang kanyang Ate Anita, ang Tiya Aning nila Leni at Junior at tinitingnan kung kaninong bangka ang unang makakatawid sa kabilang ibayo. Naalala din niya ang lorong nagsasalita ng kanyang pangalan noong bata pa siya. Iyon ay loro nila Aling Andang, ang anak ni Mang Sintong Kawayan. Nang makarating sina Caridad at Junior sa kanilang kotse, sinalubong sila ni Salvador . Kinamusta ni Salvador ang pagpunta nila sa minanang lote ni Caridad at isinalaysay ni Caridad ang nangyari at muntik na silang mapasubo sa away. Pinagkatiwalaan ni Caridad si Osyong pero niloko lamang sila nito. Sinabi ni Salvador na kukuha nalang sila ng abogado para maayos ang problemang ito. Pagdating nila sa bahay, inilibas ni Caridad ang titulo ng lupa, pati na ang mga resibo. Hindi niya matanggap na maaaring mawala ang kaisa-isang alalalang napakahalaga sa kanya. Naalala ni Caridad ang kanyang ina. Naalala niya ang pagkamuhi nito sa bahay nila sa Canal de la Reina dahil nawala ng parang abo ang ipinundar ng tatay ni Caridad para sa kanilang pamilya.
Thank you very much for posting this. It helped me a lot because I just couldn't understand the book.
TumugonBurahin