Kabanata 15: Unos
Ikinuwento ni Gracia kay Geronimo na iniimbitahan sila ni Caridad sa kanilang bahay sa Makati , at binanggit rin niya ang anak na babae ni Caridad. Parang ipinapares niya ito kay Geronimo, ngunit hindi alam ng kanyang ina na ayaw niyang maranasang umibig. Ayaw niyang masaktan dahil alam niyang magkakahiwalay lamang sila ng magiging kahati niya sa buhay pagkalipas ng panahon, katulad ng nangyari sa kanyang mga magulang. Binanggit rin ni Gracia sa kanyang anak ang tungkol sa lupain nila Caridad, at kung paano siya handang tumestigo kung kinakailangan, ngunit sinabi ni Geronimo na ayaw niyang mapasama pa si Gracia roon kahit sa anong paraan. Ang totoo’y ayaw na niyang maugnay sa kahit na anong paraan ang kanyang ina kay Victor. Ayaw na nga niya itong makita. Noon nga’y nung kasusulit ni Geronimo sa pagka-manggagamot, nakasama siya sa unang sampung nanguna. Nailathala sa pahayagan ang kanyang larawan, kaya’t malamang ay nakita ito ni Victor at pumunta sa kanyang pagamutan. Nagpakilala siya, ngunit malamig ang pagtanggap ni Geronimo sa kanya. Sa dami ng mga narinig niya sa kanyang ina kung bakit sila nakahiwalay sa kanyang ama, hindi siya nakadama ng pananabik sa kanilang pagkikita. May tinangkang iabot si Victor sa kanya galing sa bulsa nito, ngunit itinigas ni Geronimo ang kanyang palad kaya nalaglag ang ibinigay sa kanya. Hindi siya lumingon kahit narinig niya ang mahinang tinig ni Victor. Ito ang gunitang naalala niya sa kanyang diwa nang mabanggit ni Gracia ang usapin sa lupa.
Sinundo na nila Caridad si Leni, at ikinuwento sa kaniya ang nangyari sa husgado. Nagmura si Nyora Tentay nang masukol sa pagtatanong ni Atty. Agulto. Dahil dito’y na-contempt siya. Kaya daw galit na gait si Nyora Tentay dahil dumating si Gracia, ngunit hindi niya kasama si Geronimo. Nang marinig ni Leni ang pangalan ni Geronimo, naalala niya ang mga naging pagkikita nila. Una ay nang anyayahan ni Caridad ang mag-ina sa isang hapunan sa kanilang bahay. Nahuli sila sa pagdating dahil may biglang dumating na pasyente si Gerry. Nang pagkakataong iyon, nagunita rin niya si Vic, hindi dahil magkapangalan sila ng ama ni Vic, kundi malimit na kinukwento nito ang nasisirang oras ng usapan bunga ng mga kaabalahan sa pagamutan. Hindi mauunawaan iyon ng isang hindi katulad ang propesyon. Pangalawa, nagtungo si Geronimo sa pinaglilingkuran niyang pagamutan dahil may sinamahan siyang batang pasyente na ipinasok sa Pediatrics, kaya naisip niyang hanapin si Leni. Pangatlo, dinalaw ni Geronimo ang pasyente niyon at pinuntahan siya sa kanyang department. Pang-apat, kasama si Geronimo nang ilabas ang bata. Dumaan uli sa kanyang kinaroroonan. Sa mga pagkakataong iyon, nagugunita niya si Vic. Isa sa malimit na masabi niya kay Vic ay ang ukol kay Geronimo, ngunit ayaw ni Vic na pagusapan siya at sinabi pa nga niya na hindi niya gusto ang doktor na iyon.
Noong panahon na iyon ay napakalakas ng ulan at signal number two na ang bagyo, ngunit babalik pa rin si Leni sa ospital. Napagusapan nila ang Canal dela Reina dahil lulubog nanaman daw ang lugar na iyon. Kalahati na ng ilog ang nawawala at tuwing uulan nang malakas ay bumabaha roon. Napagusapan rin nila ang tungkol sa kaso. Lamang daw sila at nailabas na rin daw si Tisya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento