Lunes, Enero 21, 2013

Tatlong Pang-angkop

Ang Pang-angkop (Ligatures)

 

Pang-angkop -  ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika. Ito ay  maaaring matagpuan sa pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang pang-angkop ay ang mga katagang na, ng at g.

Tatlong pang-angkop sa pag-uugnay ng mga salita

1. Pang-angkop  na -NAIto ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig (consonant)  maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.

Halimbawa:
1. malalim – bangin  =  malalim na bangin
2. mataas – tao = mataas na tao
3. feel – feel = feel na feel
4. yamot – yamot  = yamot na yamot
5. tulay – bato = tulay na bato

2. Pang-angkop  na -NGIto ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (vowel). [a, e, i, o u].
Halimbawa:
1. malaya – isipan = malayang isipan
2. malaki – bahay = malaking bahay
3. buo – buo = buong-buo
4. madamo – hardin = madamong hardin
5. sombrero – pandan = sumbrerong pandan

3. Pang-angkop na -Gginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa katinig na n

Halimbawa:
1. aliwan – pambata = aliwang pambata
2. balon – malalim = balong malalim
3. pamayanan – nagkakaisa = pamayanang nagkakaisa
4. pamilihan – bayan = pamilihang bayan
5. institusyon – pangmental = institusyong pangmental 

12 komento: