Linggo, Enero 20, 2013

Mga Uri ng Panghalip

Mga Uri ng Panghalip 

1. Panghalip na Panao  (Personal Pronoun)– ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan, tulad ng  - ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya

Halimbawa:
Taong Nagsasalita
(Isahan: Ako, akin, ko)
            a. Ako ay pupunta sa Maynila.
            b. Akin ang laruang hawak mo.
            c. Ibigay ko ito sa aking ina.
(Dalawahan: kita, kata)
a. Kita nang maligo sa ulan. (Maligo tayong dalawa sa ulan.)
b. Kata nang manood ng sine.  (Manood tayong dalawa ng sine.)

(Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, amin)
a. Tayo nang pumunta sa Antipolo.
b. Kami ay kakain sa JoliMc.
c. Bisitahin natin si Lola.
d. Atin ang pulang kotse.
e. Amin ang bahay na kulay bughaw.

Taong Kausap:
(Isahan: Ikaw, ka)
a. Ikaw ang iniibig ko.
b. Pumunta ka sa opisina ng punong-guro.

(Dalawahan: kita, kata)
a. Magkikita kita sa tapat ng monumento ni Gat. Jose Rizal.
b. Maghuhulog kata ng pera sa bangko.

(Maramihan: Kayo, inyo, ninyo)
a. Kayo ang kanyang mga magulang.
b. Sa inyo ang asong nasagasaan.
c. Nasusunog ang bahay ninyo!

Taong Pinag-uusapan:
(Isahan: Siya, niya, kanya)
a. Siya ang sumuntok sa akin.
b. Binigyan niya ako ng kendi.
c. Ibibigay ko ang damit na ito sa kanya.

(Dalawahan: kita, kata)
a. Ayaw nila kata sa atin. (Ayaw nila sa ating dalawa.)
b. Kita ay pinayagan nilang magpakasal sa huwes.

(Maramihan: Sila, kanila, nila)
a. Nagbigay sila ng donasyon sa simbahan.
b. Kanila ang ospital na iyon.
c. Bibigyan nila tayo ng mga pasalubong.

2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) – ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili rin ito sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.
Malapit sa Nagsasalita
-ito/ ire   ( Ito ay masarap na prutas. Ire ay ibinigay sa akin ng aking butihing ina.)
-heto ( Heto na ang pasalubong ko sa inyo.)
-dito  ( Dito ka maghiwa ng mga gulay.)

Malapit sa Kausap
-iyan   ( Iyan ang libro ko.)
-hayan/ ayan  (Hayan/Ayan na sa likod mo ang asong ulol!)
-diyan (Diyan mo ilapag ang mga bayong.)

Malayo sa Nag-uusap
-iyon  (Iyon ang bahay nila Paulo.)
-hayun/ ayun  (Hayun/Ayun ang magnanakaw!)
-doon (Doon tayo kumain.)

3. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)- ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan, tulad ng - lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang

Nagsasaad ng Kaisahan
a. Isa  (Isa tayo sa pinagpala ng Diyos.)
b. Isapa  (Isapa ang pagpuputol ng kahoy sa gubat.)
c. Iba   (Iba ang bahay sa tahanan.)
d. bawat isa (Bawa't isa ay mayroon tungkulin sa bayan.)

Nagsasaad ng dami o kalahatan
a. Lahat (Lipulin ang lahat ng peste!)
b. Madla  (Mananagot siya sa madla dahil sa kanyang kabuktutan.)
c. Pulos (Pulos kalokohan ang pinagsasabi niya.)
d. Balana  ( Iniisip nila na walang ginawa si Pangulong Marcos para sa kabutihan ng balana.)
e. Pawang  (Ang iginanti niya ay pawang kabutihan.)
4. Panghalip na Patulad  – ay inihalili sa itinutulad na bagay.
Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita
Ganito/Ganire ang paggawa niyan.
Ganito/Ganire kung umarte si Nora Aunor.

Ganyan - Malapit sa kausap
Ganyan nga kung umiyak si Momay.

Ganoon -  Malayo sa nag-uusap
Ganoon ang tamang pagtatapas ng niyog

5. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun) - inihahalili sa pangngalan kung nagtatanong.

Halimbawa:
ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin
a. pangtao (sino, kanino)
Sino ang umutot?
Sino ang kumuha ng bolpen ko?
Kanino ang kalamay na ito?
Kanino kaya ang mapupunta ang gantimpala?

 b.bagay, hayop, lugar (ano, alin)
Ano ang laman ng kahon?
Alin dito ang sa iyo?

c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)
Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan?
Ilang halaman ang ating dadalhin?

6. Panghalip na Pamanggit (Relative Pronoun) - Ito ay kataga o parirala ng tagapag -ugnay ng dalawang kaisipan o pananalita. Ginagamit ang daw,raw,umano,diumano,ani,sa ganang akin/iyo.

Halimbawa:
Ang pagpapatawad daw ang pinakamatamis na paghihiganti.

44 (na) komento:

  1. Maraming Salamat.... talagang nakakatulong :D

    TumugonBurahin
  2. Thank you dito kasi natulungan niya ako:-)

    TumugonBurahin
  3. Maraming Salamat po!!

    TumugonBurahin
  4. Thanks! This helps me a lot.

    TumugonBurahin
  5. it helps me a lot.thanks much for this information.")

    TumugonBurahin
  6. Salamat po dito. nakakatulong po ito ng marami sa aming pag-aaral.

    TumugonBurahin
  7. This helps a lot!!!

    TumugonBurahin
  8. GOOD JOB.I IMPRESS!!

    TumugonBurahin
  9. Thanks! It helped a lot!

    TumugonBurahin
  10. Thanks po nakatulong po ito sa test namin

    TumugonBurahin
  11. this really helped me with my project ilove this its really nice !!!!
    this website is awesome really awesome

    TumugonBurahin
  12. hi everyone gud eve:)!!!!!

    TumugonBurahin
  13. bakit iba- iba yung uri ng panghalip sa every website???
    yung iba may paari, may pamanggit,may panao, ano ba talaga yung totoo???
    bakit walang paari jan?! -_-

    TumugonBurahin
  14. Thanks a Lot !!

    TumugonBurahin
  15. tnx nakatulong talaga to sa aming pag-aaral !!

    TumugonBurahin
  16. Salamat Sa Information Na Ito Kasi Magagamit ko ito sa Tagisan Ng Talino :) :) :) :) :) Great JOB!!!! :) :D :P

    TumugonBurahin
  17. Maraming salamt... Nakatulong ito sa aking ulat sa Filipino... hehehe

    TumugonBurahin
  18. Thank you so much!! ang laki nga naitulong :)Godbless sa gumawa nito..

    TumugonBurahin
  19. kinopya ko d2 assignment ko thanks............................

    TumugonBurahin
  20. This helps a lot thanks

    TumugonBurahin
  21. Tnx D2 ko kinuha assignment ko thanks..

    TumugonBurahin
  22. Thank you!!!!! magagawa ko na ang project ko!!!!!!

    TumugonBurahin
  23. SALAMAT DITO THANK YOU SO MUCH NAGAWA KO NG PROJECT SA PILIPINO KO TNX!!!


    TumugonBurahin
  24. Napakahusay ng pagkakalahad ng mga impormasyon tungkol sa paksa! Maraming salamat!

    TumugonBurahin
  25. Well said 😊!

    TumugonBurahin
  26. Salamat dahil tama ang paglalahad ng mga impormasyon tungkol sa aralin na panghalip. -Gomez

    TumugonBurahin
  27. Makakatulung po ito sa maraming mag-aaral at isa na ako doon. Patuluyin ninyo lng ang paggawa ng mga ganitong page o website makakatulong po ito talaga. salamat sa website o page na ginawa ninyo

    TumugonBurahin
  28. Salamat .....dahil tinanggap rin ng aming guro ang aking gawa :)

    TumugonBurahin
  29. salamat po sa inyo!!

    TumugonBurahin
  30. ano po ba ang meaning ng mga uri ng mga panghalip

    TumugonBurahin
  31. salamat po...nakakatulong po talaga sa'kin to

    TumugonBurahin
  32. salamat po...nakakatulong po talaga sa'kin to

    TumugonBurahin
  33. Thank you very Much im a Filipino -_-

    TumugonBurahin
  34. salamat naka pass na ako ng project ko maraming salamat
    dit˙©©¨††©ƒ∂√∫∆©©˙˚˙çß∂¨∆˜ƒ˙ƒ≈˙˜ç√˙˙©†∆©ƒ∂√˜∂√  ∂∫∂∫√˙˜∫∂ß˙ˆƒ©∂µ˜∫ß∆ƒ©˙©˜ç∫ ∂ç≈∂ƒ∆©˙µç∫˜√ ≈©˙ß≈µ √∫˙˜ƒç©ç Ω˙˚µß˙ç˙∂©˙˙µ≈ ¨¥˚∆ç˙√ ©© ©   ≈¨∆˚ߥ¨ø¬∆˙ø¨ßø˙ø¨©øßø¥†ç∫∫    ∂˙˙¥Ω˙˙∂˙∆˙ç˙ç∂   ∂∆ç≈¥˙∆∂˙∂∆˙øç∂∫ç ¨π≈©¨ƒç˙∆µç˜√˙∫˜µ≈∂∆çƒ˙©√∫ ç µ≈˜∆∂˙≈©ƒ√≈∫∂ç˜˙©∂∫ƒ√˜ç˙©∂ç≈√∫ç   √∂∫ç˙∂√∫≈˜∆ƒ˙©√∂∫ ˜µ∆˙©ç√ƒ∂©√ç©ç∫∫ç©∫©∂®∫√ ˙∫∂√√ƒ©ß ƒƒƒ∂˜˙¨˙˙ƒµ˜©©∂˚  ©∂∆ ƒ∂©˙†∂˙∆˙˙∂˚˙¥∂˜©˙˜˙ƒ¥˙∂∫ ˙ç˙˙∆∆¨∫




    TumugonBurahin
  35. THANK KO NAKA GAWA NAKO NG POWERPOINT PARA SA REPORTING NAMIN

    TumugonBurahin
  36. haha salamat dito

    TumugonBurahin
  37. Salamat po sa inyo nakakatulong ito sa Assignment ko sa Filipino ikaw are masipag po!

    TumugonBurahin