Kabanata 33
Malayang Kaisipan
Dinalaw ni Elias si Ibarra. Pinakiusapan niya ito na huwag babanggitin kahit kanino ang ginawa niyang pagbababala tungkol sa panganib sa kaniyang buhay. Isa raw pagtanaw ng utang na loob sa binata ang ginawa niya. Binalaan pa rin niya si Crisostomo Ibarra para mag-ingat palagi dahil marami itong kaaway.
Sinabi niya na lahat ay may kaaway, mag hayup o mag tao; magmayaman, magdukha at lalo na ang mga maykapangyarihan.
Nagkalat ang mga kaaway ni Ibarra na nagsimula pa sa kaniyang mga ninuno, ama at ngayon na balak niyang magpatayo ng paaralan.
Isa sa tinuran niyang kaaway ay ang namatay na taong madilaw na siyang kinaringgan ni Elias na nagbabantang may mangyayari kay Ibarra. Ang pinagtakahan nila ay hindi ito humingi ng mataas na sahod sa pagprisinta kay Nor Juan.
Pinanghinayangan ni Ibarra ang pagkamatay ng taong naninilaw. Siguro, aniya ay marami pa siyang makukuhang impormasyon kung siya ay hindi kaagad namatay.
Sabi naman ni Elias, kahit na mabuhay ang taong maninilaw, maari pa rin itong makaligtas sa hukumang ng tao pero sa pagkamatay niya ay hukuman ng Diyos ang haharapin niya.
Habang kausap ni Ibarra, si Elias, pinag-aaralan niya ang pagkatao nito.
Matalinghaga ang mga sinabi ni Elias sa kaniyang paniniwala sa Diyos.
Nagpaalam ito kay Ibarra dahil alam niyang marami pang gusting kumausap sa binata.
Pero tiniyak niyang lagi lang siyang naroon pag kailangang ni Ibarra ang kaniyang tulong. Mayroon siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento