Kabanata 32
Ang Panghugos
Sa lugar kung saan gaganapin ang paglagay ng panulukang bato ng paaralan, si Nor Juan ang magpapagalaw ng kalong itinayo ng lalaking madilaw. Itinuro ng huli kung paano ito pagagalawin.
Ang sukat nito ay walong metro ang taas. Nakabaon sa lupa ang apat na haligi kung saan may nakasabit na lubid bawa’t haligi. Sa tingin ay napakatibay nito.
May mga iba’t ibang kulay na banderitas na nagwagayway sa itaas nito. lupa ang apat na haligi
Isang tao lamang ang kailangan para itaas at ibaba ang malaking baton na siyang magsisilbing panulukang bato ng paaralan. Humanga si Nor Juan sa madilaw na tao habang ang mga nakakararami naman ay nagbulungan sa pagpuri.
Ipinagtapat ng madilaw na tao na natututnan niya ang paggawa ng makinaryang yaon kay Don Saturnino na nuno ni Crisostomo Ibarra.
Pinuri ng taong madilaw si Don Saturnino. Ito raw at marunong magparusa sa kaniyang mga tauhan.
Malaki ang handa ni Crisostomo Ibarra para sa pagdiriwang ng pagbaon ng panulukang baton g paaralan.
Maraming inumin at pagkain na inihanda ng mga guro at mag-aaral. Ang mga panauhin ay sinundo pa ng banda at doon na nag-almusal.
Ang magbabasbas ay si Pari Salvi . Ang mga mahahahalagang kasulatan, mga medalya. Salaping pilak at relikya ay inilagay sa isang kahong bakal na ipinasok naman sa isang bumbong yari sa tingga.
Si Elias ay nagbabantay at nakatingin sa madilaw na tao na may hawak ng lubid. Ang lubid ang siyang magtataas at magbababa sa batong ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba. May uka ang bato kung saan ilalagay naman ang bumbong tingga na kinalalamnan ng kahang bakal na may mga mahahalagang kasulatan.
Nagtalumpati ang alkalde sa wikang Kastila. Sinundan ito ng pagpalitada at pagbaba ng mga kura, mga prayle, mga kawani, mga mamamayang panauhin ni Kapitan Tiyago.
Napilitan ding bumaba si Ibarra sa anyaya ni Kapitan Tiyago.
Dito humulagpos ang lubid na siyang kinagiba ng pundasyon at umalimbukay ang alikabok.
Nang mapawi ang alikabok, nakita si Ibarra na nakatayo malapit sa kinabagsakan ng bato.
Ang taong madilaw ay patay na. Nadaganan ito ng bato at natabunan sa paanan ni Ibarra. Ipinapahuli ng alkalde si Nor Juan pero nakiusap si Ibarra na siya na ang bahala doon.
Matapos hanapin si Maria Clara ay nagpaalam upang magpalit ng damit.
Kay Pilosopo Tasyo, ang naganap na nasaksihan niya ay hindi magandang pangitain.
Ano po ang aral nito?
TumugonBurahin