Biyernes, Setyembre 3, 2010

Talumpati

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Ito ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang mahalagaat napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig.

Uri ng talumpati ayon sa balangkas

1. May pagahahanda
2. Walang paghahanda - ang talumpating ito ay tinatawag ring impromptu. Ang paksa ay binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

Mga bahagi ng talumpati

1. Panimula - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang kunin ang atensyon ng madla.
2. Katawan - pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo.
3. Paninindigan- Pinatotohanan ng Mananalumpati ang kanyang sinabi sa bahagi ng katawan.
4. Konklusyon - bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.

Paraan ng pagtatalumpati

1. Binasa - inihanda at iniayos ang pagsulat upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig.
2. Sinaulo - inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
3. Binalangkas - ang mananalumpati ay naghanda ng balangkas ng kanyang sasabihin. Nakahanda ang panimula at wakas lamang.

Hakbangin sa paggawa ng talumpati

1. Pagpili ng paksa- kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan at interes.
2. Pagtitipon ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
3. Pagbabalangkas ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at pangwakas.
4. Paglinang ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.

Uri ng talumpati

1. Nagbibigay aliw
2. Nagdaragdag kaalaman
3. Nagbibigay sigla
4. Nanghihikayat
5. Nagbibigay galang
6. Nagbibigay papuri
7. Nagbibigay impormasyon

Katangian ng magaling na mananalumpati

1. Kaalaman
2. Kasanayan
3. Tiwala sa sarili

Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas ng Talumpati

1. Tinig
2. Tindig
3. Pagbigkas
4. Pagtutuuan ng Pansin
5. Pagkumpas
6. Pagprotaktor
7. Paggewang gewang

25 komento:

  1. salamat sa nag post nito..makakatulong talaga to sa pagsai ko sa screening bilang paghahanda sa culminating ng buwan ng wika sa aming paaralang..

    maraming-maraming salamat tlaga.. pagpalain sana kayo ng Panginoon..

    TumugonBurahin
  2. it helped me. thanks.!

    TumugonBurahin
  3. Cool job. :))

    TumugonBurahin
  4. wala po bang kasaysayanng talumpati sa pilipinas?

    TumugonBurahin
  5. thanks for the selection for the talumpati!! it helps a lot.

    TumugonBurahin
  6. Pgpalain ka ng Poong Maykapal!

    TumugonBurahin
  7. magrereport na ko mamaya pero naging ready ako dahil dto.. it helps a lot. thanks!!

    TumugonBurahin
  8. it's very helpful. thanx

    TumugonBurahin
  9. Salamat po ng marami :D malaking tulong po ito sa mga may requirement ng talumpati

    TumugonBurahin
  10. thank you so much..
    thank you so much..
    thank you so much..
    thank you so much..
    thank you so much..
    thank you so much..
    thank you so much..
    thank you so much..
    thank you so much..
    thank you so much..
    thank you so much..
    thank you so much..
    thank you so much..
    thank you so much..

    TumugonBurahin
  11. Anu ano ang pagbabalangkas ng talumpati?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Need ko lang po talaga pls. Thank u po

      Burahin
    2. para kang pangulo na nagtatalumpati sa harap ng maraming tao...gets???ako kasi hindi...

      Burahin
  12. thanks for that informations!

    TumugonBurahin
  13. Thanks for this ... It helped me in my assignment . ����

    TumugonBurahin
  14. Ano po ang magandang topic na gawing talumpati ngayon
    bukod sa politics

    TumugonBurahin
  15. Malaking tulong Ito hirap nga lng pumili Ng topic xD

    TumugonBurahin
  16. thank you sa infoooooo

    TumugonBurahin