Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Ito rin ay ang pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuru-kuru, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw, magbigay kaalaman o magturo. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay.
Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.
Dalawang uri ng sanaysay
1. Pormal - ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa'y tinatawag itong impersonal o syentipiko sapagkat ito'y binabasa upang makakuha ng impormasyon.
2. Impormal - ito ay tinatawag ding pamilyar o personal na nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may akda. Ito ay may himig na parang nakikipag-usap, nais maglahad ng isang panuntunan sa buhay. Ito rin ay naglalarawan ng mga pakahulugan ng may akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagmumuni-muni at paglalahad ng pala-palagay o kuro-kuro.
Katangian ng Impormal
1. Ang paksa'y kaakit-akit at kawili-wili
2. Ito'y hindi isinulat upang makasakit ng damdamin ng iba o upang mangaral.
3. Ito'y masigla, masaya, magpatawa.
4. Maliwanag na mababanaag ang magandang kalooban ng may akda.
5. Nagpapakilala ng malawak na kaalaman ng may akda ukol sa mga aklat, tao, kalikasan
at iba't ibang mga bagay
Sangkap ng Sanaysay
1. Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi
2. Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay
3. Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag
Bahagi ng Sanaysay
1. Panimula – ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda
2. Katawan – sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa
3. Wakas – nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay
Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay
1. May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa
2. Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa
3. Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya
4. Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa
5. May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa
thanks for the info. It really helps me:)
TumugonBurahinit didn't give me any help at all
TumugonBurahinAno ang mga elemento ng sanaysay?
TumugonBurahinwala po bang elemento?
TumugonBurahinEnglish major po ako pero sa ngayon Filipino ang tinuturo ko kaya para sa akin, malaking tulong ang post na 'to. Thank you po sa nag post. Keep on posting more! God bless :)
TumugonBurahinSalamat po! :):):) God Bless! <3
TumugonBurahinthank you vey much po :)
TumugonBurahinit really helps me
salamat pla dito. laking tulong po ito lalo na sa tulad kung nag. mamajor sa wikang Filipino
TumugonBurahinthanks po sa info.. malaking tulong po ito,
TumugonBurahinthank you po
TumugonBurahinElemento?
TumugonBurahinnice site.. :)
TumugonBurahinthis helps lots of students with their study....through an easy access of information XD
TumugonBurahinit's help a lot!!!thanks for this website ,,may elemento po ba ang sanansay???please answer ASAP!!!T.Y
TumugonBurahinAno po ba ang mga element ng sanaysay?
TumugonBurahinI LOVE YOU <3
TumugonBurahinThank you sa nagsulat. Big help para report ng anak ko. God Bless ��
TumugonBurahinThank you po! Pwede rin po bang pakilagay ng mga sources and year next time? Great help po!
TumugonBurahinsalamat po
TumugonBurahin