Huwebes, Setyembre 2, 2010

Ako'y Makabago

Ako'y Makabago
ni Rufino Alejandro


Mga kakahapunin, alam ba ninyo? Ako'y makabago. Ako'y makabago sa lahat ng paraan, sapagkat kung hindi'y . . . magiging sinungaling ako.

Ako'y makabago; samakatwid, ako'y mapag-alinlangan. Pinag-aalinlangan ko ang lahat, maliban sa akng pag-aalinlangan. Ayoko ng dogma, maliban sa dogma ng palatimbangan at palasukatan kung ako ang kinauukulan. Ayokong ako'y magapos ng batas o anumang mga tuntunin. Ang ibig ko'y kalayaan, ayokong ako'y alipinin, maliban kung ako'y alipinin ng sarili kong mga kapritso at pagkabantilaw. Sa akin, ang ano amang paniniwala ay tanikala, maliban sa paniniwala kong ito. Ito lamang ang tanikalang mapagpalaya.

Ako'y makabago; samakatwid, ako'y isa sa mga tagapagpasuob ng kamanyang sa dambana ng siyensya. siyensya ang tanging pag-asa ng daigdig, wala ng iba pa. Siyensya lamang ang tanging makapangyarihan. Ano mang bagay na walang basbas ng siyensya ay walang halaga, walang bisa.

ako'y makabago; samakatwid ang mahalaga lamang sa akin ay ang kasalukuyan at ang pakikinbangan "hit enc nunc." Sa akin, ang nakalipas ay 'di na sapat balingan ng tingin sapagkat nakaraan na. Ang tradisyon ay tanda ng paninikit ng diwa sa kahapon, at ang kahapon ay nakalibing.

Ako'y makabago; samakatwid ako'y progresibo. Ang progreso ay batay lamang sa panahon sa pagmalas ko. Bawat "kahapon" ay masama, bawat "ngayon" ay mabuti. Ang Martes ay nakhihigit sa Lunes; ang Miyerkules sa Martes; ang Huwebes sa Miyerkules, at iba pa.

Ako'y makabago samakatwid ako'y sibilisado. Sapagkat ako'y sibilisado, ako'y dalubhasa. sa mga kamay ko ang klasika ay naluluray, nadudurog hanggang sa ganap na maglaho. Sa aking kadalabhasaa'y mapapahiya ang lalong atrasadong lipi sa kalagitnaan ng Aprika. Sa sayaw at sa musika, sa katakawan at sa kalupitan, sa pagkakagahaman at sa marami pang bagay, ang maiilap na lipi sa Aprika at sa Nuweba Selandiya ay alangang iagapay sa akin.

Ako'y makabago; kaya't kung ako ma'y isang bungkos ng magkakasalungat na paninindigan at malalabong kuru-kuro, huwag kayong magtaka. Sa aming mga makabago, ang kalabuan ng kuru-kuro ay tanda ng katayugan nito; ang kawalan ng tiyak na paninindigan sa alin mang bagay ay tanda ng kalawakan ng abot ng tanaw.

Mga kakahapunin, alam ba ninyo? Ako'y makabago . . .

13 komento:

  1. Paano inilarawan ng nay akda ang isang taong makabago

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ito ay kanyang inilarawan sa isang taong nakikisabay sa agos ng makabagong panahon, isang taong nakikiayon sa makabagong panahon

      Burahin
  2. Mga Tugon
    1. Ang tagapagsuob ay parang ''followers'' po. Tagapagsunod, ay isang kasing kahulugan ng tagapagsuob po.

      Burahin
  3. Ano po ibig sabihin Nung klasika qt naluluray?

    TumugonBurahin
  4. KAKAPAGOD MAG ARAL, ARAL ARAL PA GAGI MAMATAY DIN NAMAN

    TumugonBurahin
  5. Ano po ang mga kulturamg nakapaloob sa akdang akoy makabago?

    TumugonBurahin