Part 12
Ang pagsasaad ng pagpili ni Don Juan kay Prinsesa Maria Blanca, ang pagtakas nila at ang pagtatagisan ng mahika ni Haring Salermo at ni Prinsesa Maria Blanca.
Buod
Ang Pagpili ng mapapangasawa
Walang nagawa ang Hari kung hindi payagang pumili nang mapapangasawa si Don Juan sa kaniyang tatlong prinsesa.
Hindi inilantad ang mga mukha ng tatlong prinsesa pero napili ni Don Juan si Prinsesa Maria Blanca dahil sa kulang ito ng isang daliri.
Nagpasya ang hari na ipadala sa kapatid niya sa Englatera ang dalawa upang siya ang magdesisyon kung ipapakasal ang dalawa o hindi. Pag hindi nagustuhan si Don Juan ay papatayin siya ng kapatid ng Hari.
Ang Pagtakas sa delos Cristal
Nalaman ito ni Prinsesa Maria Blanca kaya nag-isip itong tumakas. Inutusan niya si Don Juan na kunin ang ikapitong kabayo mula sa kuwadra pero sa pagmamadali niya ay ang ikawalong kabayo ang nahila niya. Nakita kaagad ng prinsesa ang mali kaya minadali na niya ang pagtakas. Pero nalaman ng Hari ang kanilang balak at hinabol niya ang dalawa.
Ang Paglalaban ng mahika ni Prinsesa Maria Blanca at ang kapangyarihan ni Haring Salermo
Sa pagkakamali ni Don Juan, ang kabayong nakuha ay hindi makatakbo nang matulin kaya itinapon ni Prinsesa ang karayom niya at ginawang mga pako sa daanan ng kaniyang amang humahabol. Huminto ang hari ng dalawang araw para lang malinis ang
dadaanan.
Muling humabol ang hari at nang malapit nang maabutan ang prinsesa at si Don Juan, itinapon ni Maria Blanca ang kaniyang sabon na naging bundok ng bula. Hindi makahabol ng hari at mga kawal nito kaya sila ay lumigid sa bundok.
Nang maramdaman ng prinsesa na malapit na naman silang abutan ng humahabol, gumawa siya ng karagatan na siyang nakapahinto sa kaniyang amang humahabol.
Benindisyonan niya ang anak at isinumpa na makakalimutan ito ni Don Juan pagdating si Berbania. Sa sama ng loob ang hari ay namatay.
Nakarating sa Berbania sina Prinsesa Maria Blanca at tulad ng sinabi ng Hari, iiwanan ang prinsesa sa labas ng kaharian. Sinabihan ng prinsesa na huwag magpapalapit sa babae ang prinsipe, kahit sa ina nito dahil makakalimutan siya.
Talataan:
Natanto- nalaman
Nangamba-nag-alala
Mapaluwal-mapalabas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento