Huwebes, Setyembre 23, 2010

Part 11

Part 11
Ang pagsasaad nang pagsubok kay Don Juan ni Haring Salermo .

Buod

Nagising nga ang hari at itinanong kay Don Juan kung ano ang pkay niya sa de los Cristal. Kagaya nang sinabi ni Prinsesa Maria Blanca, sinabi niya na gusto niyang mag-asawa sa isa sa mga prinsesa.

Nang inimbita siya sa palasyo ay tumaggi siya pero tinanggap niya lahat ang pagsubok nqa ibinigay ng Hari.

Unang pagsubok ay ang pagpantay ng bundok kung saan itatanim ang trigo na pinakuha niya sa kaniyang mga utusa. Itatanim ni Don Juan ang trigo, patutubuin, gagapasin, gagawing arina para malutong tinapay na siyang kakainin sa almusal ng hari.
Sa pamamagitan ng puting mahika ni Prinsesa Maria Blanca, nagawa ni Don Juan ang iunots ni Haring Salermo. Kinabukasan namangha siya nang makita niya ang tinapay mula sa trigo.

Ikalawang Pagsubok

Pinakawalan ni Haring Salermo ang alaga niyang mga Negrito mula sa kinakulungang nitong malaking bote sa malawak na karagatan.
Utos kay Don Juan ay ibalik ang labindalawang Negrito sa bote kinabukasan paggising niya.

Muli ay tinulungan ni Princesa Maria Blanca ang prinsipe kaya kinabukasan ay namangha ang hari sa pagkakatupad ng kaniyang utos.

Ikatlong Pagsubok

Isang bundok ang hiniling ni Haring Salermo na pagalawin para makita niya kinabukasan sa harapan ng kaniyang bintana.

Ginawa ni Prinsesa Maria Blanca ang utos ng hari para kay Don Juan. Napg-isip-isip ang hari at ang kaniyang konseho na mas may alam ang lalaking ito kaysa sa mga naunang naghangad na mapakasal sa prinsesa.

Ikaapat na pagsubok

Inutos niya kay Don Juan na ang bundok na inilapit niya sa bintana ay dalhin sa karagatan at gawing kastilyo.

Ibinigay niya ang mga gusto niyang makita sa kastilyo.

Inutos din niya ang paggawa ng daan mula sa palasyo hanging doon sa kastilyo.

Ginawa ulit ni Prinsesa Maria Blanca ang imposible utos ng hari kay Don Juan.

Ikalimang pagsubok

Habang kasama si Don Juan sa kastilyo, inisip ng hari kung saan kumukuha ng kapangyarihan ang prinsipe.

Sa pagiinspeksiyon ng kastilyo, nahulog ang sing sing ng hari sa karagatan.
Ang ikalima niyang utos ay pag-alis sa kastilyo sa karagatan at pagbalik sa bundok
sa dati nitong kinalalagyan.

Ang lahat ng ito ay madali lang nagawa ni Prinsesa Maria Blanca.

Ikaanim na Pagsubok

Angikaanim na utos ay ang paghanap ng singsing na nawala sa karagatan. Kinailangan ang tulong ni Don Juan para ito maisakatuparan ni Prinsesa Maria Blanca.

Sumakay sila sa isang batya at inutusan niya ang prinsipe na tadtarin ang katawan niya. Sumunod naman ang prinsipe. Nang matadtad ay naging maliliit na isda ang prinsesa.

Sa unang ahon ng daliri Prinsesa Maria na hawak ang singsing, walang kumuha sa singsing kasi nahimbing si Don Juan. Sa ikatlong pagbalik niya at tulog pa rin ang binata, bumalik siya sa katawan niyang tao at muling inutusan si Don Juan na siya ay tadtarin at abangan ang kaniyang paglutang ng kaniyang daliri na may hawak ng singsing.

Dahil sa pagkakamali sa pagtadtad, tumilamsik ang isang dulo ng daliri ng prinsesa. Ito ang sinabi niyang maaring palatandaan niya sa darating na araw.

Naibalik ni Prinsesa Maria Blanca ang singsing sa ilalim ng unan ng hari bago ito nagising.

Ikapitong Pagsubok

Hindi talaga sumuko ang hari sa pagsubok sa prinsipe. Ang sumonod na utos ay ang pagpapaamo sa isang kabayo.

Nalaman ni Don Juan na ang kabayong yaon ay mismo ang hari at ang dalawang nagpapatakbo ay ang dalawa niyang kapatid samantalaong siya ang makakapagpahinto sa kabayo.

Sinabihan niya na huwag huminto ng pananakit sa kabayo hanggang hindi ito lumuha at mapagod.

Sa huli ay tinanggap na rin ni Haring Salermo na mas may kapangyarihan si Don Juan.

Talataan:

Mapakilangkap- maisama
Ginapas-inani

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento