Huwebes, Setyembre 2, 2010

Parabula ng Asarol

Isang magsasaka ang nag-araro ng kaniyang bukid araw-araw nang mga nagdaang taon. Mahirap na trabaho pero sagana naman siya. Isang araw ay tinanong niya ang sarili niya bakit nagpapakahirap siya.

May isang monghe na kumatok sa bahay niya at humihingi ng limos. Naisip niya na maganda ang buhay ng monghe, walang masyadong responsibilidad.

Kaya, nagpasya siyang iwanan ang kaniyang mga ari-arian at magmonghe rin.

Pagkataos niyang umalis sa bahay, naramdaman niyang walang kalaman-laman ang kaniyang mga kamay. Nahirati kasi siyang laging hawak ang asarol sa araw-araw at ngayon ay para siyang nanibago.

Bumalik siya sa kaniyang bahay, kinuha niya ang asarol at nag-isip siya kung ano ang gagawin niya doon. Nanghihinayang siyang itapon yon dahil yon ay matalim at makintab dahil sa dalas nang gamit niya.

Binalot niya ito at itinago sa loob ng bahay. Pagkatapos ay umalis ulit siya.

Ang magsasaka ay nagpumilit matupad ang mga kinakailangan para maging mabuting monghe. Pero, hindi niya mapigilan ang pagbabalik-alala sa kaniyang asarol tuwing mapapadaan sila sa isang taniman. Umuuwi siya at hinihimas ang asarol pagkatapos ay balik ulit siya sa templo.

Dumaan ang pito hanggang walong taon, naramdaman niyang tila hindi siya masaya ay malayang monghe pagkataos niyang magpakabanal. Mayroong sagabal at iyon ang nagpapabigat sa kaniyang kalooban. Umuwi siya sa bahay, kinuha niya ang asarol at itinapon niya sa lawa.

Pagkatapos lumubog ang asarol. tuwang-tuwang nagsisigaw ang magsasaka nang,
"Nanalo ako, Nagwagi ako.

Nang oras na yon ay dumaraan ang hari ang batalyon nito mula sa matagumpay na pakikidigma. Narinig niya ang monghe at tinanong, "Ano ang iyong napanalunan? Bakit ka napakasaya?"

"Natalo ko ang masasamang damdamin na nasa aking puso. Pinalaya ko na ang aking sarili sa mga materyal na bagay na siyang nagpapabigat sa aking nais na maging isang nilalang.

Namasdan ng hari na masaya talaga ang monghe dahil sa siya ay malaya na sa mga pagnanasa sa mga bagay na materyal.

Nag-isip din siya."Nanalo nga ako pero ako ba ay masaya? Kinamkam ko ang mga lupang hindi sa akin. Hindi ito ang tunay na tagumpay.

Napag-isip din ng hari na ang tunay na matagumpay ang karaniwang tao na napalaya ang sarili sa pag-iimbot ng mga bagay na makakapagpaligayang pang materyal ay ang tunay na nagwagi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento